"Siguro nag-iisa lang talaga ako kaya kung ano-ano nalang ang pumapasok sa isip ko." mahinang usal niya sa sarili. Nang matapos siya sa pagkain ay naghugas agad siya ng pinagkainan, gaya ng inaasahan niya ay hindi agad siya dinalaw ng antok kaya bumangon siya mula sa pagkakahiga sa kama. Sandali lang niyang binalot ang katawan ng manipis na tuwalya at lumabas na siya para magpahangin sa labas. Nakatulala lang siya sa madilim na karagatan nang bigla nalang siyang makarinig ang pamilyar na huni na madalas niyang naririnig na nililikha ng sirenong si Islaw. "I-Islaw?" kaagad siyang sumilip sa malalaking bato na nasa tubig. "I-Islaw, ikaw ba iyan?" Nagsimulang maluha ang kanyang mga mata sa isiping binalikan siya ni Islaw. Hinubad niya ang suot na tsinelas at kaagad na lumusong sa tubig. S

