Natagpuan ko na lang ang sarili namin na kumakain na habang may nakalatag na tela sa damuhan. "Bakit dito niyo napiling magtayo ng tent?" biglang tanong ni Arius habang nakatingin sa malaking bato sa gilid. "Maganda ang lugar," simpleng sagot ko. "And that boulder really gives something nostalgic to me. Madalas rin kasi akong tumambay rito." Nakita ko kung paano nagkatinginan ang kambal sa sinabi ko. Hindi ko na inabalang magtanong pa dahil binigyan na ako ni Diane ng isang hiwa ng pakwan. Mabilis na lumipas ang oras at puro kwentuhan lang kami na parang magto-tropang nakatambay. I admit, I missed this feelings. I wonder where are Maggie and the others are now? "You know, mga men," panimula ni Sirius habang umiinim ng beer. "Love responsibly. Kahit na nandito ang presensiya namin ni Di

