Ang walang kamuang-muang na si Islaw. Isa pa, tiyak na imbes na magluksa si Erick at ang pamilyang Acosta ay baka magalak pa ang mga ito. Pero sa ngayon ay kailangan niyang bumalik sa matapobreng magpamilya at kapag nagkaroon na siya ng sapat na pera ay siya na mismo ang aalis sa puder ng mga ito. "Ate Agnes!" umiiyak na napayakap sa kanya si Buchukoy nang makabalik siya sa loob ng bahay. "Buchu, ayos kalang ba? Bakit ka umiiyak?" "Ate Agnes, si Kuya Islaw..." Kaagad na nabalot ng kaba ang kanyang dibdib. "A-anong nangyari sa kanya? Nasaan siya?" naghuhumirandang nagtatakbo siya sa loob ng kwarto. Natadnan niya itong nakadipa ang kamay sa kama habang nakahiga. Ngumiti ito nang makita siya. "Buchu naman, pinag-alala mo ako. Akala ko ay kung ano nang nangyari kay Islaw!" bulalas niya

