Napatingin agad siya kay Islaw na nagtataka. "T-tama ka, Buchu. Ako ang l-lalaki kaya dapat ako ang m-magbibigay ng pagkain kay Agnes." ani nito at may pagtayo pa. "K-kailangan ko m-manghuli ng isda!" paalis na sana ito pero kaagad nila itong pinigilan. "Saan ka pupunta, Islaw?" "Ihahanap kita ng i-isda." "Para saan naman ang isda kung mayroon nang masasarap na pagkain dito, Kuya Islaw?" "S-sabi mo kasi kailangan ko i-itaguyod si Agnes. Mga p-pagkain lang at palamuti ang kaya n-naming ibigay sa aming a-asawa eh." may pagkamot sa ulong saad nito. Ganoon pala. Kung sa bagay, magkaiba talaga ang pamumuhay nilang mga taong nasa lupa at sa mga sirenong nasa ilalim ng dagat. Dito sa lupa, kadalasang kailangang magtrabaho ng lalaki para maitaguyod ang pamilya, pero taliwas iyon sa mga sire

