nating ibigay sa kanila. Kailangan natin maibigay sa kanila ang buong oras natin para maalagan sila at para maipadama sa kanila ang pagmamahal natin." "I-ibibigay ko lahat ng love ko sa b-baby." "Hindi. Islaw, hindi iyon ganoon kadali. Sa katunayan ay nahihirapan na ako sa pamumuhay natin ngayon lalo pa't wala akong trabaho." "M-magtatrabaho ako!" bulalas nito. Napabuntong hininga na lamang siya dahil mukhang hindi talaga magpapapigil itong si Islaw. Dapat ay hindi siya matuwa, ngunit kusang bumuo ng ngiti ang kanyang labi dahil sa mukhang desidido na si Islaw na magkaroon ng anak, na magkaroon sila ng pamilya. At hindi niya mawari sa sarili niya kung bakit tila maging siya ay nais bumuo ng pamilya. Alam niyang masyado pang maaga para sa kanilang dalawa ang pagkakaroon ng anak, lalo p

