"Hala, seryoso?" gulat na tanong ko, at napahinto pa. Kaya ba di niya sinasabi sa akin? "Hindi," pinagmasdan ko ang mukha niya na nagpipigil ng tawa kaya bago pa siya makatawa, nilakasan ko na ang pitik sa tenga niya. "Aray ha," natatawang sabi niya, may pahawak pa siya ng tiyan sa lakas ng boses niya. Ramdam ko ngang sumilip sila Hosuh at Sunny sa amin. "Buhay pa pala 'yung tao, pinapatay mo na. Saan ka ba talaga tinamaan, ha?" "Sa puso mo," Hindi ko na napigilan na murahin siya kaya mas lalong lumakas 'yung tawa niya. Habang ako ay hinihintay siyang tumigil dahil sobrang lakas talaga ng tama niya. Nilapitan kami ni Sunny at kinamusta. Unti-unti lang tumigil ang tawa ni Arius nang tanungin ko si Sunny kung anong masasabi niya sa incomplete na art ko. Sinabi niya naman 'yung nakikit

