Nago-grocery kasi ako ngayon dahil, wala lang. Ang saya ko lang kahapon kasi tapos na 'yung inaabangan kong tattoo at gusto ko lang talagang bigyan ng gifts sila Tita Ashlie. At nang tanungin ko naman siya, ang sabi niya gusto niya lang ng box ng pizza. Si Sunny naman, isang malaking prutas ng pakwan. Si Hosuh na lang ang hindi ko mabigyan dahil alam ko naman nagusto niya ng chocolates, ayaw niya lang sabihin sa akin dahil nahihiya. Rinig ko na hirap si Hosuh sa pagsagot sa akin. Natawa ako nang marinig ko na si Sunny, isang segundo lang siya na ang kausap ko. "Ate, favorite niya 'yung maltesers! Pabebe lang 'tong lalaking 'to!" "Baka naman ikaw 'yung may gusto?" "Nung maltesers?" "Yeah, akala mo ba si Hosuh?" nakangising sabi ko habang kinukuha 'yung malaking cup ng maltesers at nilal

