Kahit papaano ay gumaan ang kanyang paghinga. "P-pasensya na po kayo." "Pasensya? Ilang araw na naming tinitiis iyang mabahong amoy ng bahay mo, magkakasakit kami sa pagiging iresponsable mo!" asik pa nito. "Ano ba ang nasa loob ng bahay mo para magkaroon ng malansang amoy? Puwede ba kaming pumasok sa loob? Kung gusto mo ay tutulungan ka naming maglinis para mawala na ang mabahong amoy." ani matandang lalaki na sinegundahan ng karamihan. Kumabog nang malakas ang kanyang dibdib dahil sa matinding takot at kaba na nararamdaman. Napalunok siya nang mariin kasabay ng pagtulo ng malamig na pawis sa kanyang pisngi. Base pa lamang sa mukha ng mga ito ay desidido ang mga ito na pasukin ang loob ng bahay niya. Nanginginig ang mga kamay na hinawakan niya ang siradora ng pinto mula sa likod niya. Kai

