"Dahil ano, iha?" "D-dahil para ko na po siyang kaibigan. Kaibigan na inaalagaan ko." "Pero hindi ba't hindi naman kayo magkaibigan? Mag-asawa kayong dalawa." ani pa nito na ikinatigil niya. "Mukhang nalilito ka pa sa iyong nararamdaman. Alam ko na may namumuong pag-ibig diyan sa puso mo para sa sireno, ngunit sa ngayon ay hindi mo pa magawang aminin." Sa totoo lang ay hindi niya alam kung anong magiging reaksyon o kung ano ang itutugon niya sa mga sinabi ng matanda. May part sa isip niya na naaapektuhan siya sa sinabi nito na para bang totoo lahat ng sinabi nito. At kung totoo man ang napapansin ni Nanay Nita, ibig bang sabihin nito ay nahuhulog na talaga ang loob niya sa sireno? H-hindi ba problema ang magiging kahinatnan nito? Magkaiba silang dalawa ni Islaw diba? "Sana lang ay huw

