"Halika, bumalik muna tayo sa loob dahil ipagluluto kita ng masarap na pagkain na ngayon mo palang matitikman." Inipit niya ang dalawang kamay sa magkabilaang kili-kili nito at hinila papasok. Pina-upo niya si Islaw sa upuan na nasa kusina at siya naman ay nakangiting sinimulang ilabas sa supot lahat ng pinamili niya kanina sa palengke. Tahimik at nakapaling lang ang ulo ni Islaw habang nanunuod sa ginagawa niyang pagluluto. Siya naman ay hindi na makapaghintay na ipatikim kay Islaw ang niluluto niyang pagkain. "Ate Agnes, ang sarap naman ng niluluto mo!" may pagsinghot na bulalas ni Buchu. "Mukhang sinasarapan mo talaga ang luto para kay Kuya Islaw, Ate Agnes." Natawa siya nang marahan. Hindi niya alam kung bakit siya napangiti dahil sa sinabi ni Buchukoy gayong dati naman ay lagi niy

