kaya sinusubukan ko ang makakaya ko para turuan ka kung paano mamuhay dito sa lupa." marahang humaplos-haplos ang daliri niya sa makinis na pisngi nito. "N-nauunawaan mo naman ako diba, Islaw?" Gaya ng madalas niyang inaasahan ay hindi ito nagsalita pero nginitian siya nito bago tumango-tango. Napangiti siya at hindi maiwasang mamangha nang magkusa itong tumayo, ilang beses itong natumba pero nandito lang siya sa tabi nito para umalalay. Dahil sa tulong niya ay nakatayo ito ng maayos, nakayakap siya sa baywang nito at naka-akbay naman ang isang braso nito sa balikat niya. Sunod naman nilang gagawin ay ang maglakad para matuto ito. "Sundan mo ang galaw ng paa ko, Islaw." Inihakbang niya ang isa niyang paa na kaagad namang sinundan ni Islaw. Gaya ng sabi niya kanina ay mabilis lang turua

