MALIWANAG ang sikat ng araw sa kalaparan ng kakawayanan na iyon. Hindi gaanong nagbibigay ng nakakapangilabot na pakiramdam sa mga taong pumapasok doon. Labis na katahimikan ang namamayani nang sandaling iyon na ginugulo ng pagyangitngit ng mga kawayan dulot ng umiihip na hangin. Lumalabas lamang ang takot sa pagsapit ng gabi kung kaya nga ilan lamang ang mga taong nagtutuungo roon kabilang na ang hari, ang binatang prinsipe, ang tagasuri at ilang taong pinagkakatiwalaan ng pinuno. Hindi nga rin naman magandang magawi sa lugar na iyon sapagkat mataas ang posibilidad ng pagkaligaw, ang ilang nangahas na pumasok doon ay hindi na kailanman nakabalik pa. Sa labas pa lamang ng mga kawayan nagsasabi na ng babala na bawal pumasok ang sino man. Mula nang lumitaw ang kakawayanan pinagmumulan na

