WALANG ano mang bintana ang silid na pinagdalhan sa kaniya ng binatang prinsipe na maaring lusutan ng sinag ng araw. Nang maging maliwanag sa loob niyon inilagay ang mga baitang ng mga kandila sa bawat sulok. Mapapansin sa pagkatuwid ng mga apoy na hindi nakakapasok ang ihip ng hangin mula sa labas. Dahil doon hindi na naalis ang amoy na pinapakawalan ng pagkat na kasingbango ng mga talulot ng rosas na pumuno sa kabuuan ng silid. Sumusuksok ang halimuyak sa kaniyang ilong na siyang nagpagising sa kaniyang ulirat. Una niyang binuksan ang kanang mata kasunod ang kaliwa habang pinagmamasdan ang kaniyang paligid. Minsan pa nga ay napunta na naman siya sa lugar na hindi sa kaniya pamilyar. Inilagay siya ng binatang prinsipe sa kahoy na upuan sa gitna ng silid. Iginapos ang kaniyang mga kamay

