PAGKARATING na pagkarating nila sa sentro ng bayan na iyon bumantu-bantulot silang pumasok sa loob ng dalawang palapag sa tabi niyon bago pa sila makita ng mga nag-iikot na mangangaso. Matapos maisara ng kaniyang alalay ang pinto nagawa din naman nilang hindi gumawa gaano ng ingay kahit na sa pag-akyat nila sa hagdanang kahoy, pinagaan nila ang kanilang mga paghakbang na para bang kasing gaan ng balahibo. Napuno ng halimuyak ng mabangong kandila ang buong bahay na siyang sumusuksok sa kaniyang ilong. Hindi sila tumigil hanggang sa nakapasok na nga sila sa maliit na kuwarto sa ikalawang palapag. Nakahinga siya nang maluwag pagkaupo niya sa lapag, hindi pa rin maalis sa kaniyang sarili ang nangyari bago sila mapunta bahay na iyon. Kumukulo pa rin ang dugo niya para sa dalawang lalaki dahil

