MARIRINIG pa rin ang sigawan ng mga taong bayan sa paligid kasabay ng pagkalat ng makapal na usok na nagmumula sa mga nasusunog na mga bahay. Hinarangan ng kapal ng usok ang liwanag ng buwan kasama na pati ang pagningning ng mga tala. Pinapakita ng nangyayari kung gaano katindi ang paghagupit ng kasamaan ng mangangasong si Urtun, naging mabigat itong kaaway sa pagsanib dito ng demonyo. Hindi sila nito ibinababa sa lupa sa pagkasakal nito sa kanila ng binatang prinsipe. Sumasalamin sa mga mata nitong nagbalik sa dating kulay ang tuwa, nagiging masaya ito sa paghihirap ng ibang tao. Nanatili itong nakatitig sa mukha nila ng binatang prinsipe, hinihintay kung sino ang mauunna sa kanilang dalawa na lamunin ng dilim. Sa ikalawang pagkakataon sinubukan niya pa ring tawagin ang itim na dragon sa

