SUMASALAMIN ang mukha ng mga kubo sa kulay ng lupang mamulamula. Hindi na naalis ang ingay ng pagtama ng talim ng mga espada sa paligid na nagmumula sa pagsasanay ng mga kalalakihan, sinasabayan iyon ng pag-ugong ng malamig na hangin na naggagaling sa kanluran kung saan naroon ang kagubatan. Nadadala ng hangin ang amoy ng iniihaw na karne sa tabi ng kubo ilang dipa ang layo mula sa kinalalagyan nila ng binatang prinsipe. Muling umungol ang kaniyang tiyan sa pagsuksok ng amoy sa kaniyang ilong. Hindi na rin sila nagtagal pa sa loob ng kubo. Lumabas na sila roon matapos mapadaan ang isang lalaking humahabol sa pagsasanay, sapo niya ang kaniyang nagrereklamong tiyan kaya napapatingin sa kaniya ang binatang prinsipe. Ibinaba niya lang kamay niya nang tumigil sila sa pagitan ng dalawang kubo, t

