MINABUTI niyang pagmasdan na lamang ang paglubog ng araw habang pinag-iisipan kung tama nga bang manatili siya sa loob ng palasyo. Mamulamula ang sinag na pinapakawalan ng araw na nagkalat sa kalangitan, sumasalamin ang liwanag niyon sa kaniyang balintataw. Kung tatakas naman siya hindi lang mapapahamak ang mga taong nagbabantay sa kaniya. Hindi niya na rin masisilayan ang kaniyang ina na namatay sa kasalukuyan nang siya ay sampung taong gulang pa lamang. Kahit maraming taon na ang lumipas malinaw pa rin sa kaniyang alaala ang maganda nitong mukha na kinaiinggitan ng kanilang mga kapitbahay. Kung kaya nga nang pumasok ang reyna sa pinaglagyan niyang silid kaagad niya itong nakilala. Nasira lamang ang kagandahan ng kaniyang ina matapos siyang ipanganak. Hindi nito matanggap na isinilang siy

