HINDI pa man niya naimumulat ang kaniyang mga mata naririnig na niya ang pag-uusap ng mga taong nakatingin sa kaniya. Hawak ng manggagamot na nakaluhod sa kaniyang kaliwa ang kaniyang pulsuhan. Inaalam nito ang tunay niyang kalagayan. Sa gawing likuran naman ng manggagamot ay naghihintay ang kaniyang alalay na si Arnolfo at ang kaniyang dama na si Magdalena. Pinapahid pa ng dama ang luhang namalamisbis sa pisngi nito. Nakahiga siya sa makapal na sapin na ginagamit sa pangtulog. Ang tanging suot na lamang niya nang sandaling iyon ay ang puting pangloob na isinuot ng kaniyang alalay. Natatakpan ang kalahati ng kaniyang katawan ng kumot hanggang sa dibdin nang hindi niya maramdaman ang lamig. Ang sugat sa kaniyang kamay at paa na kaniyang natamo ay nagamot na ng manggagamot kaya nababalot iyo

