NAKASUKBIT sa balikat ng bagong dating na mangangaso ang balat ng tigre na siyang panglaban nito sa lamig na nakabalot sa paligid kahit na mataas pa ang araw. Kasunod ng balabal nito ay ang suot nitong itim namang kasuotan na dalawang patong. Kahit na ganoon ang ayos nito kapansin-pansin pa rin ang matitigas na mga braso nito na resulta ng pagsasanay nito mula pa pagkabata. Mayroon itong nangingitim na balbas na umabot ang haba sa matigas nitong dibdib. Wala itong dala na ano mang gamit nang mga sandaling iyon kundi ang malaking tabako lamang na hawak nito sa kanang kamay. Nang salubungin niya ang mapanuri nitong tingin iniipit nito ang tabako sa bibig nito't hinayaan doong nakabinbin na hindi hinahawakan. Matapos nitong humithit ng usok binuga rin kaagad nito iyon kapagkuwan ay inalis a

