SA HINDI niya pag-alis sa taalarawan tila nagsasabi na iyon sa kaniya na matagal nang naghihintay na mailabas niya roon. Hindi niya naman magawang hawakan ang taalarawan dahil sa mabilis na pagtakbo ng kaniyang isipan. Natatakot siyang ilabas iyon sapagkat hindi malayong naglalaman iyon ng lihim ng kaniyang ama na posibleng makakasasakit sa kaniya. Inunahan na lamang siya ni Dermot na ang inilabas ay ang bilugang salamin na kaniyang ikinatigalgal. Napapalingon na lamang siya sa binatang prinsipe na pinagmamasdan nang maigi ang pares ng salamin. "Hindi ko alam na mayroong ganito ang aking ama. Balita ko ang ganito ay galing pa sa malayong bansa na hindi pa gaanong naabot ng ibang mga tao," ang nasabi nito sa maling akala na hindi malaman ang gagawin kung paano isuot iyon. Ibinuka na nito

