WALANG saysay kung alalahanin pa niya ang magiging kalagayan niya matapos niyang magpalabas ng apoy. Sapagkat kaligtasan nilang tatlo ang mahalaga nang mga sandaling iyon. Kapag namatay siya sa lawang iyon dahil sa mga kaluluwang ligaw hindi niya magagawa ang gusto niyang gawin sa panahon na iyon, hindi na matatanong ang kaniyang ama sa tunay na nangyari rito. Samantalang kahit maapektuhan ng apoy ang katawan ng prinsipe magagawa niya pa rin ang mga naiisip niya. Sa huli napagdesisyunan niyang pilitin na lamang ang kaniyang sarili na ilabas ang natatangi niyang kakayahan. Kung kaya nga sinugatan niya ang kaniyang hinlalaki ngunit hindi niya naituloy sapagkat pinigilan siya ni Dermot sa kaniyang mga kamay. Iniling nito ang ulo na para bang alam nito ang balak niyang gawin. Naintindihan ni

