“MOMMY, Daddy, alis na po ako,” nagmamadaling paalam ni Isabella sa mga magulang pagkatapos niyang mag-almusal. “Hindi ka na ba magto-toothbrush?” nakataas ang kilay na tanong ng mommy niya. Mabilis na umiling si Isabella. “Sa office na lang po. Baka ma-late na kasi ako,” sagot niya bago siya tumalikod at lumabas ng kanilang bahay. Nilapitan niya agad ang kanyang kotse pagdating niya sa labas. Pagkabukas niya rito, ibinaba lang niya ang kanyang bag saka binuhay ang makina. Hindi nagtagal palabas na siya ng kanilang compound. Habang nagmamaneho siya panay ang sulyap niya sa kanyang suot na relo. Tinanghali siya ng gising kanina kaya hinahabol na niya ang oras. Kung bakit naman kasi napanaginipan na naman niya si Richard. Sa kanyang panaginip nakita niya na masayang-masaya sila habang k
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


