BUMABA sila at unang bumungad sa akin ay si Kuya Sato, “Happiest Birthday, Fem!” Yinakap naman niya ako’t hilaw lamang ang ngiti ko na ibinigay sa kaniya. Bumalik muli ang aking paningin kay Rav na naroon pa rin sa itaas at hinahayaan lamang ang babaeng ngayon ko lamang nakita na naka-ahas ang braso nito sa bisig ni Rav. “Here’s my gift.” Bumalik ang tingin ko kay Kuya Sato, nang makita ko ang isang mamahaling pabango na tatak mula sa paper nito. “Ito naman ang sa akin,” Si Kuya Saku. Parehas lang din naman sila ng regalo, pinagkaiba lang ay ang kulay nito. “Mas mahal ang sa akin, Fem.” Singit nanaman ni Kuya Sato na makikipagtaasan nanaman sa kakambal nito, “Four hundred lang naman ang lamang mo, pero mabango ang akin. Mas magugustuhan niya iyon, right, Fem?” Hindi ko alam kung ano

