SHELLS "ARE YOU OKAY?" Tanong sa akin ni Velvet. Tumaas lamang ang isang kilay ko sa kaniya at ngumiti na rin kahit peke. "Y-yeah!" Bumaba nanaman ang tingin ko sa suot niyang kwintas at hindi nga ako nagkakamali, iyon talaga ang gusto ko noong kasama ko si Rav. "I like your necklace." Hindi ko napigilang sabihin iyon sa kaniya, nang tignan nito ang suot niyang kwintas at hawakan iyon. "Really? Regalo ito sa akin ni Rav—" "Okay! No one asked! Here's my present for my favorite girl!" Lumapit naman sa akin si Ninang Jen at may iniabot na isang red box, "Open it!" Nahihiya ako, dahil nakatingin silang lahat sa akin. Nang buksan ko iyon ay nakita ko ang isang papel lamang. Naka-box pa ang papel, hindi ko alam kung ano ang nasa loob ng sulat, kaya't imbis na basahin ko ay nagsalita nam

