The Last Goodbye

630 Words
Tahimik ang gabi sa ospital sa Canada, ngunit para kay Thalia, parang napakalakas ng bawat tunog ng makina sa paligid. Ang mahinang beep ng heart monitor ang tanging nagpapaalala sa kanya na lumalaban pa rin ang kanyang asawa. Mahigpit niyang hawak ang kamay ni Adrian. Napakapayat na nito ngayon. Malayo sa lalaking minsang puno ng lakas at sigla na nakilala niya ilang taon na ang nakalipas. “Thalia…” mahina nitong tawag. Agad siyang lumapit. “Andito lang ako.” Bahagyang ngumiti si Adrian kahit halatang hirap na itong huminga. “Nasaan si Lucas?” “Natulog na. Dinala siya ni Nurse sa family room.” Pilit siyang ngumiti. “Pagod siya buong araw.” Tumango si Adrian. Sandaling natahimik ang silid. Pareho nilang alam ang katotohanang matagal na nilang pilit tinatanggap. Hindi na gagaling si Adrian. “Thalia,” muli nitong sabi, mas mahina ngayon ang boses. “May hihilingin sana ako.” Biglang kumirot ang puso ni Thalia. “Wag kang magsalita ng ganyan. Magpapagaling ka pa.” Ngumiti lang si Adrian, isang ngiting puno ng lungkot at pagtanggap. “Alam ko na ang totoo.” Hindi na napigilan ni Thalia ang pagtulo ng luha. Ilang buwan na silang lumalaban sa sakit na cancer. Ilang chemotherapy, ilang pag-asa, ilang panalangin. Pero dumating na sila sa puntong wala nang magagawa ang mga doktor. Mahigpit niyang pinisil ang kamay ng asawa. “Ano man ‘yon, gagawin ko,” sabi niya. Huminga nang malalim si Adrian bago nagsalita. “Kung… kung mawala ako…” “Ayoko marinig ‘yan.” “Please,” bulong nito. Napapikit si Thalia at tumango. “Iuwi mo ako sa Pilipinas.” Napatingin siya sa asawa. “Gusto kong doon ako mailibing… sa tabi ng mga magulang ko.” Tumulo ang mga luha ni Thalia ngunit tumango siya. “Sige.” “Pagdating mo sa airport…” mahina nitong dugtong. “Kontakin mo ang kuya ko.” “Sebastian.” Nabanggit na ni Adrian ang pangalan nito noon. Ang kuya niyang matagal nang nakatira sa Pilipinas at namamahala sa family business. “Siya ang tutulong sa’yo.” “Okay,” sagot ni Thalia. Ngunit hindi pa tapos si Adrian. Mahina itong ngumiti. “Pangako mo… aalagaan mo si Lucas.” Napahagulgol si Thalia. “Siya ang buhay ko,” sagot niya. “Hindi ko siya pababayaan.” Bahagyang pumikit si Adrian. “Tulad ng pag-aalaga mo sa akin…” Tahimik na bumagsak ang mga luha ni Thalia sa kumot. Biglang naramdaman niyang gumalaw ang kamay ni Adrian. “Thalia…” “Yes?” “Salamat… sa lahat.” At sa sandaling iyon, tila bumagal ang mundo. Unti-unting humina ang tunog ng heart monitor. Napansin iyon ni Thalia. “Adrian?” nanginginig niyang tawag. Hindi na ito sumagot. “Adrian… wag mo akong iiwan.” Biglang naging tuloy-tuloy ang tunog ng makina. Isang matinis na beeeeeep ang pumuno sa buong silid. Mabilis na pumasok ang mga nurse at doktor. “Ma’am, please step back.” Ngunit hindi makagalaw si Thalia. Parang nanigas ang buong katawan niya habang pinapanood ang mga doktor na pilit sinusubukang ibalik ang t***k ng puso ng kanyang asawa. “Charge!” Nagulat siya sa tunog ng defibrillator. Ngunit matapos ang ilang minuto… Unti-unting tumigil ang mga doktor. Tahimik ang silid. Naramdaman ni Thalia ang malamig na kamay ni Adrian na hawak pa rin niya. Lumapit ang doktor. “I’m sorry.” Tatlong simpleng salita. Ngunit sapat iyon upang gumuho ang mundo ni Thalia. Tuluyan nang pumikit ang kanyang asawa. At sa gabing iyon, naiwan siyang mag-isa—kasama ang kanilang anak, at ang pangakong kailangan niyang tuparin. Ang huling hiling ni Adrian. Ang pag-uwi nito sa Pilipinas. At ang pakikipagkita sa lalaking hindi pa niya kilala— ang kuya nitong si Sebastian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD