DENISE LAURENT XHION POV Iniwas ko ang tingin sa kanila. Mabigat na yabag naramdaman ko sa sahig kasabay nito ang marahas na pag-angat ng shelves. Napasinghap ako ng dumampi ang malaking kamay sa aking tagiliran at namalayan ko na lang ang pag-angat ng aking katawan mula sa sahig. Mahina akong napadaig dahil hindi ko magalaw ng maayos ang aking isang kamay at hita. Pinigilan ko muli na hindi humikbi. Nanghihina ang aking sistema ko. "D-Drystan.." Napapikit ako ng marinig ang boses ni Mitch. Ramdam ko ang sakit at lungkot don. Mas lalong bumigat ang paramdam ko, hindi dahil sa kamay ko. Kundi ang pakiramdam na ako ang may kasalanan kung bakit nasasaktan si Mitch ngayon. Ayokong makasakit dahil hindi kaya ng konsensya ko pero ngayon ay parang gusto kong maging selfish. Humigpit ang kapi

