DENISE LAURENT XHION Point Of View Isa itong eleganteng kwarto at nakahinga ako ngayon sa king sized bed. Madilim ang sulok nito. Nasaan ako? Ang huling natatandaan ko lang ay huling sinabi ni Drystan. Tumayo ako mula sa kama. Lumingon ako sa isang bintana—na halos sakupin ang buong length ng dingding. No, a big glass wall ang nasa harap ko. Sa tingin ko ay pagabi pa lang dahil nakikita ko ang unti-unting paglubog ng araw. Bumaling ako sa ibang direction at natuon iyon sa pinto. Humakbang ako at binuksan. Kailangan ko ng umuwi dahil pagabi na pero hindi ko alam kung nasaan siya. Pagkalabas ay isang mahabang hangdan pababa ang bumungad sa akin. Hindi ko maiwasang mamangha sa nakikita ko ngayon. This house or maybe a mansion is breath taking sa ganda. Kumunot ang nuo ko kung nasaan luga

