""Iha!! Dahan dahan akong nagmulat nang Aking mga mata nang marinig kong tawagin ako ni Lola Aida.
""Bakit po Lola??
""Pwide ba akong magtanong Iha? sagot nito na mabilis ko namang tinanguan.
""Ano po yong Lola?
""Gusto ko lamang malaman Apo.Kong ano ang ginagawa mo sa Kalsada nang Gabing nakita ka namin na walang malay?.Base sa dala mong Bag ay nakasisiguro ako na may nangyari.sabi ni lola. Ilang Bises akong napa-Hinga nang Malalim at sandaling katahimikan bago ko nagawang ibuka ang aking Bibig.
""Ang totoo po niyan Lola ay pinalayas po ako sa amin.Nasa boses ko ang lungkot at parang may namumuo nanaman na luha sa aking mata.Nakita ko ang gulat sa Maganda nitong Muka na parang Hinde makapaniwala..
""Pinalayas?? nino? at saan mo Balak pumunta nang Oras na iyon?? malapit lang ba sa inyo yong Lugar na nahimatay ka?? diyos ko paano kong hinde ka namin nakita malamang napahamak ka..Sunod-sunod nitong tanong sa akin na halata ang pag-alala.
""Pinalayas po ako nang aking Ina.Panimula ko sa una niyang tanong."At sa mga Oras po na yon ang totoo ay Hinde ko alam kong saan ako Pupunta.Halos Dalawang Baryo na din po ang nalakad ko bago ko naramdaman na nahihilo na ako at hinde na alam kong anong nangyari dahil natumba na po ako at nagdilim ang Paningin.pag -Amin ko sa Matanda. Nakita ko Lalo ang bakas nang pag-alala at ang Galit na namutawi sa kanyang Mata. takot, takot ang nangingibabaw na nakikita ko sa kanya..Hinawakan nito ang aking kamay sa pag -aakala na dahil doon maiibsan ang aking Dinaramdam.
"Anak! hinde ko alam ang tunay na nangyari pero nakasisiguro ko na hinde iyon ginusto nang Ina mo.Baka may nagawa ka lamang na Pagkakamali kaya ganon siya nagalit.Pero panigurado ako ngayon nag-aalala na rin iyon sa iyo.Pang-palubag loob na sabi nito.Kong alam lang nito ang tunay na dahilan baka hinde na nito iyon masabi sa akin.
""Siguro nga po may nagawa akong mali---pangbibitin ko sa kanya halatang Intrisado siyang malaman dahil titig-natitig lamang sa akin ang Ginang..
""Dahil ako po Mismo ang pagkakamali..
Buong buhay ko po pinaramdam nila sa akin na Isa lamang akong Pagkakamali na dumating sa Buhay nila.Baka nga po ako talaga ang may kasalanan.Nahihirapan kong sabi sa kanya.Mas Lalo naman nagulohan ang Matanda.""What do you Mean iha?? na ikaw ang pag-kakamali? walang magulang na kaya yon sabihin sa anak. baka talaga lamang na galit ang iyong ina..Pagtatanggol pang muli nito sa aking Mama..Mapakla akong napa- ngite sa kanya.Habang may Mumunting Luha na Pumatak sa aking Mata.
"Lagi naman po siyang Galit sa akin o mas tama pa pong Sabihin na Halos Araw-araw na ginawa nang diyos na hinde pwideng hinde magalit sa akin si Mama.Sapol pagkabata ko po ay hinde ko naranasan ang magkaron nang Matatawag na Ina.Na handa akong alalayan sa Lahat, gabayan, ituwid kong mali, pangaralan, mahalin, at pag-aralin. kahit isa po doon ay wala akong nakamit.Kaya kong sinasabi nyo po na walang Ina na kayang Tiisin ang anak.ngayon pa lang po sinasabi ko na sa inyo baguhin nyo na po ang inyong Pananaw. Nakita ko din ang paglandas nang luha sa kanyang mga mata at ang bigla nitong pagkabig sa akin upang Yakapin.Kaya hinde kona napigilang mapaiyak.""Pero bakit anak?? Bakit ganon ka ituring nang iyong Ina?hinde ba siya pinag sasabihan nang iyong Ama?? tanong ni Lola sa akin.Kahit nahihirapan na magsalita dala nang pag -iiyak nagawa ko pa din itong sagutin.
"Maraming taon na rin po Lola.Tinatanong ko sa sarile ko na bakit nga ba?? Bakit hinde ako matanggap ng magulang ko?? Bakit tuwing may Mga Okasyon sa bahay ay hinde ako pwideng magpakita na kasama nila kong hinde rin lang Nmn magulang ni Mama ang Bisita.,Bakit sa tuwing nagkakasayahan sila sa bahay buong Pamilya ay hinde ako pwideng Makisali, Bakit kinailangan kong Magtrabaho sa murang Edad ko para lamang mapag-aral ang aking Sarile,.Bakit sa tuwing Ma mamile sila para sa paghahanda nang nalalapit na Pasko ay hinde ako pwideng sumama Hinde nila ako Bibilhan,.kasya na lamang ako sa mga Lumang Pinaglipas nang aking mga Pinsan..Sa tuwing Birthday ko Hinde ko naransan batiin at ipaghanda nang aking Ina.dahil yon daw ang pinaka Malas na araw sa Buhay niya.Si papa sana ang Isa sa inaasahang kong.magtatanggol sa akin ngunit mas hinde makatarungan ang Balak gawin palage ni papa sa akin.. Mula mag Pitong taong gulang ako ay nakaranas na ako nang malalaswang pang yayari sa Buhay ko.Kong hinde nga lamang palageng nakakarating ang isa sa Pamilya ko matGal na ako nahalay nang aking ama.Tuwing maaabutan kami ng aking mga kapatid o Ni mama. nakakagawa agad nang Palusot ang aking Ama.At sa akin nabubunton ang galit ni Mama.Ako na ang Biktema ako pa ang Nahahambalos nang Lubid na kahit saan na lamang nang parte nang aking katawan ay walang awa ilatay.pagnakuntinto sa pamamalo.Sa sako naman ang diritsyo ko.Ibibitin nila ako sa taas nang palupo nang Bahay at ibaba na lamang Kinabukasan, walang kain at Khit tubig ay wala.Doon ako.magpapalipas nang gabi na tange Lamang na tanglaw ay kaunting Sinag galing sa Buwan..Ngayon nyo po sabihin sa akin kong bakit nga ba ganon ang Buhay ko Lola..Ang pahikbi -hikbi ni Lola ay Lumakas na at mahigpit ako nitong niyakap.Naramdaman ko pa ang isang kamay na Humihimas sa akong Likod at nang lingunin ko.nakita ko ang Luhaan na din na si Manang Shiela..
""Hinde ko po gustong Umalis, kahit ganon ang aking nararanasan dahil. may mga kapatid pa din naman po akong nagiging Lakas ko ngunit sila na po Mismo.ang Nagtaboy sa akin.Dahil doon lamang daw po sila magiging masaya.Kahit labag sa loob ko ang gawin iyon dahil sila ang aking pamilya at wala akong mapupuntahan ay sinubukan ko po. Para lamang maibigay ang katahimikan na gusto nila at lalong ayaw kona po.madamay ang aking mga kapatid nang dahil lamang sa pagkampi sa akin.nahihirapan kong salaysay sa Dalawa.
""Walang kwenta ang Iyong Ama at Ina Señorita. Sinong matinong ama na Gaagwan nang masama ang anak?? At sinong matinong Ina ang Gagawing Alipin ang Isang Anak? Galit na wika ni Manang Shiela. na tinanguan naman ni Lola Aida..
""Iyan bang mga Sugat sa katawan at Ulo mo ay magulang mo ang Gawa?? Gigil na tanong Ni Lola. Umiling ako at Sinabi ang totoo.
"" Ang totoo Lola ay Ilang Araw pa lamang Simula ng Lumabas ako sa Ospital. At ang sugat sa aking Ulo ay dahil sa aksidenteng Kinasangkutan ko.Nasa Pitong Buwan na po ang nakakaraan.Nacomatose po ako nang Anim na Buwan.At ang mga sugat ko sa Balat ay si Mama ang may Gawa dahil sa hinde ako nagiseng nang maagap isang Araw galing sa aking paglabas sa Ospital. At Kweninto ko lahat ang nangyari.Hinde ko alam parang ang gaan gaan nang loob ko ngayon nong mailabas ko na ang lahat nang Bigat na aking nararamdaman.Pakiramdam ko sa kataohan nilang Dalawa ay nagkaron muli ako nang karamay maliban sa aking tita.Nag-pupuyos sa galit si Lola pagkatapos kong sabihin ang Lahat.Nakita ko pa na nahihirapan na itong Huminga dala marahil nang Subrang -iyak dahil habang nag Kwekwento ako ay Iyak lamang ito nang iyak.Kaya dali-dali ko itong Nilapitan.Bigla akong kinabahan Nang makitang Namumutla na ito kaya Bumaling agad ako kay Manang na sige din ang Iyak..
""Manang Si Lola.Nahihirapan po siyang Huminga.Taranta kong Wika sa Ginang.Agad naman itong tumayo at Pagkarinig sa aking Sinabi at agad na nagtawag nang Ibang katulong Upang Huminge nang tubig.
""Sandali lamang Iha.Bantayan mo ang Lola mo kukuha lamang ako nang gamot.Siguro sinamaan siya sa labis na iyak.Paliwanag nito at agad tumakbo sa Taas nang Tumango ako.Nakaramdam naman ako nang Guilt sa nang yari. Sana Hinde na lamang ako Nag Kwento.Marami akong sana pero wala na andito na ito.Iyak lang ako nang Iyak habang Inaalagan si Lola na makainum ng gamot at sandali namin inihiga sa sopa upang makapag-Pahinga.Hinde ako umalis sa tabi ni Lola.nakasalampak lamang ako sa Carpet habang Hawak-hawak ko ang kamay nito. Hindenko alam kong Ilang Oras akong nakatulog.Hanggang sa Maramdaman ko na lamang ang Mahihinang Haplos kaya nag -angat ako nang Ulo.ang laking tuwa ko nang makitang Maayos na uli si Lola nakangite na siyang nakaupo sa Sopa. Pupungay-pungay ko siyang Dinamba nang Yakap na agad naman nitong Tinugunan.
""Thank God.Maayos kana Lola subra po akong nag -alala sa inyo.sabay higpit ko pa ng yakap sa matanda..
""Im sorry iha.Kong pinag -alala pa kita.Hinde ko kasi Lubos maisip na kinaya mong lahat ang kalunos-lunos na sinapit mo.Kaya hinde ko na control ang Emosyon.sagot nito habang sinusuklay-suklay nang kanyang mga daliri ang tuwid kong Buhok..
Pagkatapos namin makapag-usap saglit ni Lola ay Pinasya na namin na magpahinga at Bukas na lamang tapusin ang kwentohan.Hinatid ko mona ito sa kanyang silid.Bago ako nagtungo sa silid na aking Tinutoloyan. Halos Isang Oras na akong nakahiga.Naikot ko na din ata bawat solok nang aking Higaan.Ngunit kahit anong gawin ko ay hinde ako dalawin nang antok.Paulit-ulit pumapasok sa Utak ko ang nangyari kay Lola.Muntik pa itong mapahamak nang Dahil sa akin.Iniisip ko din kong anong mang-yayari sa akin kong kailangan ko nang Umalis dito..Alam ko naman na Panandalian lamang ang pagtuloy ko dito.Hinde ko alam kong Saan hahanap nang Trabaho at matutuloyan.kong sakaling gumaling na ako nang tuloyan at kailangan nang lisanin ang Mansyon..
Halos nag bubukang-liway-way na nang makagawa ako nang Antok.Kaya ang Ending tanghali na ako nagiseng kong hinde sa mga katok sa Pinto ay wala pa talaga akong balak na imulat ang aking mga Mata.Dahil sa sakit nang aking Ulo dala marahil sa Puyat.
""Anjan na po! dadali-dali na akong tumayo sa Higaan at pinag-buksan ang kanina pa Kumakatok.Isang nakayukong Babae ang Bumongad sa akin.
""Señorita kanina ka pa po Pinapatawag nang Lola mo.Dahil nalaman po niyang Hinde ka bumaba para mag -umagahan.nakatungo pa din na Wika nito.Ako naman ay napamulagat sa Sinabi nito.Kong ganon anong Oras na ba.Agad akong Bumalik sa loob upang tingnan ang Oras.nakita ko itong nakapatong sa maliit na table malapit sa Aking Kama.Lalo lamang akong na windang nang Makitang mag 1:00 na nang Hapon.Agad kong Binalikan ang katulong na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sa may pinto..
""Pakisabi kay Lola na Mauna na siyang Kumain at mag-aabyad lang ako nang sarile ko at baba na din.Hinde ako nakapag Set nang Alarm kaya Hinapon ako nang Giseng.Kakamot-kamot kong sabi dito.nakita ko naman ang Pasimple nitong pag-ngite at sabay tango.at tumalikod na ito sa akin.Kaya dali-dali akong Pumasok sa Banyo.Twenty Minutes ay natapos ko din gawin ang lahat.Dali-dali na akong Bumaba at naabutan ko si Lolang Naka-upo pa din sa Mesa ngunit kita ko naman na tapos na siyang Kumain.Nang maramdaman nito ang Presinsya ko ay nakangite itong lumingon sa akin..
""Napahaba ata Iha ang Tulog mo.Sabi sa akin ni Manang Hinde ka daw nag umagahan.Bakas ang Pag-alala sa Boses nito.Nahihiya naman akong lumapit at Humalik sa Pisnge nang Matanda.
""Sorry Lola hinde ko po namalayan ang Oras kong hinde pa po sa katok malamang ay Tulog pa din ako hanggang ngayon.Nahihiya kong tugon.
" Ayos lamang iyon.Pero sa susunod ay Pilitin mong Bumangon nang maagap at Mag-almusal. saka ka muling Bumalik sa pagtulog.dahil masama ang palaging nag papalipas nang Gutom.Tangeng tango na lamang ang aking sinagot.dahil aakyat na daw mona siya.Ang bilin lamang nito ay Umakyat ako sa Library niya pagkatapos kong kumain dahil may Pag-uusapan kami.Hinde ko tuloy nalasahan kong masarap ba ang nakahain dahil sa kabang aking nararamdaman.Baka paalisin na ako ni Lola.Dahil sa naisip lalo lamang akong nawalan nang ganang Kumain.
""Iha ayaw mona?? wala pa halos bawas ang pagkain mo ah..Nag -aalalang sita ni Manang sa akin nang makita akong tumayo.
""Wala akong gana Manang.Mamaya na lang siguro pagkatapos namin mag -usap ni Lola.matamlay kong sagot sa Ginang.tangeng tapik lamang sa kaliwang Braso ko ang ginawa nito.
""Wag kang Mag -alala dahil sinisigurado ko sayo na para sa ikabubuti mo ang sasabihin sa iyo nang Lola mo.Makahulugan nitong sabi sa akin.Puno nang Kuryosidad ko itong tiningnan pero tanging ngite lamang ang naging sagot nito sa akin bago tinawag yong dalaga na nasa may pinto ko kanina.Ailyn pala ang pangalan niyon.Pinasamahan ako ni Manang kay Ailyn papunta sa Library ni Lola.Natagpuan namin ito sa Second floor malapit sa Kwarto niya.