LIVING IN A LIE
Lumipas ang Dalawang Linggo ko pang papanatili dito sa Ospital,at ngayong Araw nga na ito ay Pinayagan na akong makalabas nang aking mga Doctor nang matapos akong e examin at masigurado na ayos na ako.
Hinde ko maiwasang maging masaya dahil sa Wakas makakauwi na din ako sa aming tahanan, nakakahiga na muli ako sa sarileng Kwarto, at maipag papatuloy konang muli ang aking pag -aaral, Ngunit hinde ko din maiwasang malungkot dahil simula nang magiseng ako Dalawang Linggo na ang Nakakaraan ay hinde ko man lang nasilayan ang aking mga Magulang, pag tinatanong ko naman si Tita ay palage siyang umiiwas at ang palage nilang sagot sa akin ay hinde na pinayagan nang kanilang Amo na muling lumiban sa Trabaho ang Dalawa, Ngunit Nangako daw naman ito na dadating sa Oras nang aking paglabas kaya simula kagabi Ay talagang Excited ako sapagkat masisilayan kona muli ang aking Ama at Ina ngunit tapos na kami't lahat mag impake nang mga gamit at inaantay na lamang ang aming sundo na Papa ni Tita Amanda pero ni Anino ng aking mga magulang e wala pa.
Hinde ko maiwasang mapatulala sa kawalan habang nag iintay sa mga bantay ko na nag aasikaso nang mga papel ko, bumalik lang ako sa Wisyo nang tapikin ako ni Tita Amanda na hinde ko naramdaman na nakabalik na pala ito..
"Cristal okey ka lang ba madalas lagi kang tulala may masakit pa ba sayo???nag aalalang tanong nito sa akin,Sunod sunod akong Umiling para ipahiwatig na okey lamang ako at wala nang Masakit sa akin.
"Maayos na ako Tita!!
"Kong ganon ay bakit ka Malungkot??
"" Wala po ito naisip ko lamang sila Papa at Mama ang sabi mo ay dadating sila ngayon ngunit lalabas na lamang tayo ay wala pa din sila simula nang magiseng ako Tanging Dalawang kapatid ko pa lamang ang aking nakikita ni Anino nila Mama At Papa ay wala." nagtatampo kong pahayag kay Tita.
Kahit naiintindehan kong may Trabaho sila mama at papa ay hinde ko Maiwasang magtampo na hinde man lang nila ako magawang Silipin ako kahit sandali kaya minsan naiisip ko Anak ba talaga nila ako Tita?"
Agad ko nitong niyakap nang hinde ko namalayan na may tumulong Luha,hinimas himas nito ang aking likod at paulit ulit na sinasabing tumahan na ako.
""Wag monang Isipin ang Bagay na yan Bunso Anak ka nang mga magulang mo at Mahal ka nila nagkataon lamang siguro talaga na hinde sila pinayagang Umuwi pero nakakasiguro na ako na pag pwede na ay babawi sila sa iyo, Malay mo naman na hinde na sila nag abala na pumunta dito pero inaantay ka nila sa bahay nyo.
""Talaga Tita andun sila??"
bigla ang pag aliwalas nang aking muka ngunit nawala din yon nang hinde ako sagutin ni Tita nang sagot na gusto ko sanang marinig..
"Hinde ko Sinisigurado Bunso ngunit malay mo naman sa ngayon kailangan monang magbihis at nang makaalis na tayo, wag kanang malungkot okey andito naman kami Nila Lolo at Lola mo sana maging sapat na mona kami, ayaw mo ba kaming kasamang Umuwi??
umiling ako sa tanong nito at napag pasyahan nang magbihis para makalabas na kami dito.
"Hinde sa ganon po Tita masaya po ako!" sabay pilit na ngite ang aking pinaskil sa aking mga labi.
"Kong ganon ay magbihis kana dahil inaantay na tayo nang Lolo mo sa baba."
Tanging Tango na lamang ang naging tugon ko at pumasok na sa banyo. Nang matapos ay nag aya nang bumaba si Tita dahil nag tawag na daw si Lolo. Buong byahe tahimik lamang akong nakatingin sa Labas, Tuwing tinanatanong nang aking Lolo kong kamusta naman ako saka lamang ako sumasagot, Isang taon Isang sagot lang din ang aking gawa. Nang mahalata siguro nilang wala talaga ako sa wisyo na makipag usap ay hinde na nila ako muling tinanong pa, na ipinag pasalamat ko naman dahil wala talaga kong ganang makipag usap sa ngayon, tanging gusto ko na lamang ay makauwi at makapag pahinga sa aming bahay.
Kalahating Oras na byahe sa wakas tanaw ko na ang May kalumaan naming Tarangkahang Biniyak na Kawayan at ang hinde kalakihan naming Bahay na Gawa lamang sa Kalahating sementado at kalahati ay Sawali. Bigla nanaman ang pagdapo nang Lungkot sa aking Sistema nang Tumigil na ang aming sinasakyang Oner sa harap nang aming Bahay nang Makitang Sarado ang Tarangkahan Pati na din ang aming Bahay.Siguro kahit mga kapatid ko ay hinde masayang dadating ako, kaya hinde man lamang nila akong nagawang salubungin, samo'T saring negatibong bagay na ang aking naiisip,kaya tamad na tamad akong bumaba sa sasakyan. Tinapik tapik naman ni Tita ang aking Balikat na parang sa pamamagitan noon ay sinasabi nito na ayos lamang yan. kayat pilit ang aking ngite na hinarap ang Tatlo at nag Pasalamat sa kanila.
""Hinde ko na po kayo aayain Pumasok Lolo,Lola, at Tita wala din naman po akong maiihayin sa inyo Muka po kasing walang tao sa Bahay at alam ko pong Pagod kayo sa byahe natin at pag babantay sa akin kaya Taos Puso po ang aking Pasasalamat dahil sa pag aalaga ninyo sa akin na dapat magulang ko ang gumagawa, pero ganon pa man ay masaya po ako na hinde nyo ako sinukuan.. ""Madamdamin kong pahayag sa Tatlo at Isa-isa silang niyakap na Tinugunan naman nang Tatlo..
""Tama na ng drama Bunso ha kota na ako sa Araw na ito, Pumasok kana at ihahatid kana namin sa loob upang hinde kana mahirapan sa mga dala nating gamit. nakangite nitong utos sa akin.
wala akong nagawa kong hinde ang lakihan ang pagkabukas nang Tarangkahan upang mas madali silang makapasok, nang makapaso si Lolo na ang nag prisentang mag sasara at buksan ko na lamang daw ang pinto, kaya dali dali kong hinanap sa aking Bag ang Susi nang makitang naka Lock ito.
Nang mahanap ay walang pag aatubili na Buksan,madilim na kabahayan ang Bumungad sa akin na lalong nag paalala sa akin nang lungkot na mag isa. Nang maalala na may Tao akong kasama ay hinanap ko ang switch nang aming Ilaw at nang Sumabog ang Liwanag sa Tahimik naming Sala at siya din pag sabog nang kong anong palamuti sa buong kabahayan at ang Sabay sabay nilang Sigaw na""WELCOME BACK CRISTAL.""
Hinde ko napigilang Umiyak nang mapagsino ang mga Taong Andito,Kumplito ang aking mga mahal sa buhay mapa kaybigan, kamag anak at ang aking Pamilya,, Pinakamalakas na Tumili ay ang aking Bestfriend na si Marie na Unang lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Sumonod ay ang aking kaibigan na si Mike na tinapik tapik ang aking Balikat at ang Sumonod ay ang aking mga kamag anak at ang sunod na Lumapit ay si Elsa ang Pangatlo sa aming magkakapatid, sinundan ito nang Tatlo ko pang mga kapatid na maliliit at ang kanina ko pang hinahanap ang nag bibigay nang lungkot sa aking puso ang aking mga Magulang hinde kona sila inantay na Lumapit dahil ako na mismo ang Tumakbo sa kanila at dinamba sila nang isang mahigpit na yakap.. God i miss them both, Napunoan nila ang Puwang sa Puso ko na ilang Linggo ko nang Dinaramdam, Tinapik tapik naman nila ang aking likod, ramdam ko pa ang paghalik nila sa aking Buhok kaya lalo akong napahagolhol kaya binitawan na nila ako at pinatahan.
Ilang bises ko pang binukas sara ang aking mga mata para masigurado na hinde ako nanaginip at para makasigurado muli ko silang hinawakan at pinisil ang tig kabila nilang pisnge na ikinangiwe naman ng Dalawa, Sabay pa nilang tinapik ang kamay ko na ikinahalakhak nang mga Tao sa aking Likod.
"P-Papa, M-Mama""! umiiyak kong tawag sa kanila nang masiguradong sila nga.
at nang mapatahan na ako ay Lumayo ako nang kaunti sa kanila upang sana makipag Kwentohan sa Dalawa kong kaibigan,nang mahagip nang mata ko ang Isa ko pang kapatid na si Kiven,pinaningkitan ko ito nang mata na ikina ismed lamang nito tanda kong hinde ito lumapit sa akin kanina kaya dali dali ko itong nilapitan at binuka ang aking Dalawang kamay tanda na gusto ko nang yakap mula sa isa ko pang kamay ngunit ang Loko at pinitik lamang ang aking Noo at ngumise.
""Ouch!! Yakap ang gusto ko hinde Pitik ang sakit kaya sige na yakapin mo na ako hinde mo ba ako na miss??? kasi ako na miss kita!! sabay pikit pikit pa nang mata ba halatang nag papacute, lalo naman ikinangiwe nito..
""Pwide ba Ental Tantanan mo ako sa Kadramahan mo, Masaya akong okey kana at magaling na okey na iyon, may payakap kapang nalalaman."pasuplado nito sa akin tamo na lang ang Ugali nang Isang ito ako ang Mas panganay pero Never tumawag nang ate sa akin ang Isang iyon, sanay na din naman ako dahil kinalakihan na nito ang hinde pag tawag sa akin nang Ate, Pati pangalan ko ay bukod tangeng ito lamang ang Tumatawag sa akin nang Ental, ang katwiran ang panget daw nang pangalang kong Cristal, pag hinde kaba naman talagang naasar, ngunit kabaliktaran ang pinapakita nyan pag kami na lamang ang kaharap, sa iba ay cold siya pero sa aming Pamilya ay napaka alaga niyan at walang pwideng kumante kante sa amin lalo na sa aming Dalawa ni Elsa Dahil kami lamang ang Babae.
' Yakap lang ang damot nito!!
"Pagbigyan mona nang tumigil yang Ate mong Loka Kiven!. Tita Amanda
wala nang nagawa si Kiven kong hinde Yakapin ako nang si Papa na ang nag utos dito ngunit Bago nito Gawin nakatikim pa ako dito nang Pitik sa Noo, nang bilatan ko ito..