2:59 am. Isang minuto nalang at alas tres na nang umaga. Kahit ayaw niyang bumangon ay hinila ni Yna ang sarili na dahan-dahang tumayo sa kama. Walang kahit anong ingay ay kaluskos siyang ginawa sa takot na magising si Paul sa pagkakatulog. Habang nakatingin sa lalaki ay hindi niya mapigilang humugot ng isang malalim na paghinga. She would definitely missed him so damn much..Hindi paman siya umaalis ay parang ayaw na niyang gawin. Pero alam niya sa sarili na kaya niya ito ginagawa ay dahil na rin sa kanilang dalawa. "Goodbye, Paul.." sambit niya sa lalaki na walang lumalabas na tunog. Inayos niya ang higaan sa banda niya at kinuha ang mga nagkalat na damit na hinubad nila kagabi. Last night was wild but so passionate. She could say that it was the best making love she ever had with

