Six months later- "Doc!" Napalingon si Yna nang marinig niya si Jess na tinatawag ang kanyang pangalan. Pauwi na sana siya at may hahabulin siyang dinner sa bahay ng mga magulang. May bagong hospital kasing itinayo ang daddy niya at kailangan niyang dumalo sa dinner kasama ang mga bagong investors nito. "Yes, Jess?" kunot ang noo niyang turan. "May nagpapadala na naman sayo Doc, oh! Buti nalang naabutan pa kita. Sa sobrang busy mo kanina hindi ko na naibigay." Doon niya napansin ang hawak ng kanyang sekretarya. It was a paper flower. Ang totoo ay hindi lang isang beses siyang nakakatanggap ng ganito. A pink paper flower na hindi niya alam kung sinong nagpapabigay. May kutob si Yna pero ayaw niyang mag- assume. "Alam mo, doktora, duda na talaga ako sa nagpapabigay niyan sa'yo. Na

