Habang nasa banyo si Paul Vicente ay hindi alam ni Yna kung saan siya pu-pwesto. Dala-dala niya ang damit na nakuha niya sa closet. Isang pajama na may design nang spongebob at isang couple shirt na ang kapartner non ay nasa best friend niya noong college. May print iyon na WILD sa likuran. Iyon lang kasi ang medyo malaki sa mga damit na mayroon si Yna kaya wala siyang choice kundi kunin iyon. Hindi talaga siya mapakali habang naghihintay, naroong uupo siya sa sofa, maghihintay sa labas ng pinto or babalewalain ang lalaki. Sa huli ay pinili ni Yna ang balewalain si Vicente at nagpunta sa kusina. Bigla niyang nakalimutan ang gutom niya kanina at napalitan ng pagkalito. Pero dahil naisip niya na hindi siya dapat nakakaramdam ng ganito ay pinilit niya ang sariling maging kaswal. Ilang paghi

