Tumila na ang ulan pero baha parin sa labas. Maraming motorista parin ang na-stock sa baha dulot ng malakas na ulan na umabot pa ng ilang oras. Lagpas alas dos na ng hapon kaya hindi din siya nakapasok sa hospital dahil hindi siya pwedeng lumusong sa baha at traffic. Nilingon niya si Paul Vicente na nakaupo sa kanyang couch habang may takip na panyo ang mukha. Nakasandal ang ulo nito sa sandalan ng couch at nakatingala. Baka tulog. Kanina kasi matapos niyang sabayan itong kumain ay umakyat siya sa kwarto. Doon ay parang tanga na pinapagalitan niya ang sarili. Napagtanto lang ni Yna kung bakit ganon ang naging reaksyon niya kanina. Kaya ngayon na medyo okay na ang pakiramdam ay lumabas siya ulit. At iyon nga, nakita niya ang lalaki na natutulog sa couch habang nakaupo. Sabagay ay kahit

