Napaatras si Yna ng isang hakbang sa kinatatayuan niyang hallway nang makita ang matangkad na lalaki sa unahan. Nakasuot ito ng Lacoste white polo shirt na humahakab sa malapad nitong dibdib at braso na pinarisan din ng black Jeans na saktong-sakto sa hulma ng malalakas nitong biyas. Gustuhin man niyang bumalik ay huli na dahil namataan na siya ni Paul na papalabas ng hospital. Magmula nang ideklara ng lalaki ang panliligaw nito sa kanya, isang linggo na ang nakakaraan ay hindi na yata ito tumigil sa pangungulit sa kanya. He would always came to see her whenever he had a chance. Pakiwari ni Yna at bumalik sila ni Paul sa pagkabata na nagliligawan. Ni wala siyang idea kung paano ito nakauwi ng araw na iyon matapos niyang matulala sa harap nito at nanakbo sa loob ng kanyang kwarto. Kinatok p

