At dahil sa sobrang sabik nila ni Paul sa isa't-isa ay hindi na sila nakalabas pa ng mga oras na iyon. Wala na silang sinayang na sandali at pinunan ang kasabikan sa bawat isa. Habang sumasabay sila sa ritmo at init ng kanilang katawan ay damang-dama ni Yna ang nagliliyab na pagnanasa galing kay Paul. May gigil ngunit may pag-iingat parin. Habang nasa ilalim sila ng malakas na buhos ng tubig galing sa shower ay gumagapang naman ang kamay nito sa impis niyang tiyan. Ingat na ingat itong humaplos doon na para bang natatakot ang lalaki na masaktan ang baby nila kahit sobrang liit palang naman..Hindi pa nga halata ang umbok sa kanyang tiyan pero ramdam niya ang nag uumapaw na pagmamahal mula sa lalaki para sa magiging anak nila. Nakagat ni Yna ang labi nang paglaruan ni Paul ang isang dung

