Habang nakatitig sa mukha ni Paul ay hindi alam ni Yna kung ano ang gagawin. Ilang minuto lang siyang nakatingin sa lalaki hanggang sa napagdesisyonan niyang kumuha ng maligamgam na tubig at towel. May nakita naman siya sa banyo kaya agad niyang kinuha at ginamit.. Pinunasan ni Yna ang mukha ni Paul ng dahan-dahan. Sa bawat dampi ng basang towel sa mukha nito ay kumikislot ang lalaki at umuungol. Nagsasalita pa ito na minsan ay hindi niya naiintindihan. "Yna.. Yna..." he murmured..Nakakaawa amg mukha ni Paul lalo na dahil may nakita siyang luha na nahulog sa gilid ng mata nito. "Don't marry him, Yna..Ako lang dapat eh..Yna ko.." parang batang tawag nito sa pangalan niya. Naiiyak na rin si Yna pero pinagpatuloy niya ang pagpupunas sa mukha nito. Pati ang dibdib ng lalaki ay pinunasan

