Pagpasok ni Yna sa bahay niya bandang alas tres ng hapon ay sinalubong siya ng katahimikan. Agad na nanamlay ang katawan niya at parang nakakaramdam siya ng kulang. Kanina lang ay tumawag si Paul na pupuntahan siya nito ngayon kaya maaga talaga siyang umalis ng hospital. Pumanhik si Yna sa taas at nagbihis ng pambahay. Siguro ay nagbago na ang isip ni Paul dahil may biglaang emergency kaya hindi ito nakapunta. Hindi siya dapat magtaka o nakaramdam ng bigat sa dibdib dahil wala naman talaga silang usapan ngayon. Sinabi lang nito na pupuntahan siya pero walang sinabinh oras..Siya naman itong sobrang atat ay biglang umuwi kahit hindi pa tapos ang duty niya. At dahil maaga pa naman para maghanda ng kakainin sa gabi ay plano niyang manood ng movie mag-isa. Iyon nga ang ginawa ni Yna sa loob

