Walang ibang ginawa si Yna kundi matulog nang sumunod na araw. At wala siyang ideya kung anong oras na siya nagising ng mga sandaling iyon dahil bigla lang siyang naalimpungatan sa mainit na katawan na sumiksik sa kanyang leeg. Ayaw man niyang gumising ay hindi niya napigilan dahil parang may mabigat na bagay ang nakadagan sa kanyang bandang tiyan. Mahina siyang dumaing at dahan-dahang magmulat ng mata. Sobrang liwanag na sa labas kahit medyo may iilang patak ng ulan siyang nakikita sa bintana. Kapagkuwan ay milingon niya ang lalaking katabi na sobrang himbing na natutulog. Ang prominente nitong ilong ay nakatukod sa bandang leeg ni Yna at nakapalibot ang dalawang braso nito sa katawan niya. Pati ang isa nitong hita ay nakayakap sa bandang tiyan niya kaya pala sobrang bigat sa parteng iyo

