Totoo nga ang nabasa ni Yna, huwag kang maglalaro ng apoy dahil malamang ikaw rin ang matutupok. Katulad nang nangyayari ngayon. Ilang beses na niyang pinaalalahan ang sarili na huwag magmadali ngunit heto siya sa malalakas na braso ni Paul.. Naghihina, malayang nagpapaubaya at buong pusong tumutugon sa mga haplos at halik nito. Nang maghinang muli ang kanilang mga labi ay doon na nagsimulang gumapang ang kamay ng lalaki sa iba't-ibang bahagi ng kanyang katawan. Napaliyad si Yna nang halikan nito ang kanyang tiyan at pinadaanan nito ng basang dila. Halos manginig ang kalamnan niya nang paglaruan nito ang kanyang pusod at paikutin nang dahan-dahan. Pati ang gilid ng katawan ni Yna ay hindi nito pinalagpas hanggang sa kanyang puson. "Oh! Paul! W-what are you-ah!" hindi na niya nagawang

