Pagkatapos kumain ni Yna ay naligo siya. Mga trenta minutos lang siyang nagbabad sa bathtub dahil nakaramdam agad siya ng ginaw. Pakiramdam ninYna ay naaa cloudnine siya ng mga sandaling iyon dahil sa kagagawan ni Paul. Nakakabata pala kapag kinikilig. Kaya ayaw nalang niyang isipin kung bakit napunta sila sa ganitong sitwasyon na nagliligawan. Masyado na silang matanda sa ganito pero bakit napapangiti parin siya? Kung tutuusin ay pwede nilang pag-usapan dalawa kung pwede pa ulit sila pero may ibang trip si Paul na hindi niya maarok. Palagi nitong sinasabi na gusto nitong bumawi, na gusto nitong magsimula sila sa ulit. Matapos niyang magtapis ng towel sa katawan ay lumabas na si Yna sa banyo. Naghahanap siya ng damit na komportableng isuot kaya medyo natagalan siya sa pagbibihis. Hin

