PAUL VICENTE- "Goodmorning Mr. Vicente." Hindi iisang beses na may bumati at yumuko kay Paul ng mga sandaling iyon pagtapak palang niya sa lobby ng kompanya ng kanyang ama. Halos lahat ng staff, investors at bawat departamento ng kompanyang iyon ay kilalang-kilala siya. Sa bawat pagbati ay tanging tango lang ang ibinibigay niya. Ni wala siyang pinakitang emosyon kundi kaseryosohan. It has been a month since he came to this company and all of that was only because his father called him out. Kung siya lang ay wala na siyang rason pa upang bumalik dito. "Sir, nai-order ko na po ang pagkain sa restaurant na sinasabi ninyo." anang sekretarya ni Paul na nakasunod sa kanya. Nasa loob na sila ng elevator papunta sa chairman's office. "Good." Maikli lang niyang sagot. Habang nakatitig si P

