Paul Vicente- He's home..Ilang oras na siyang nakalapag sa pilipinas pero hindi parin niya makontak si Yna. Pati ang kanya sekretarya ay wala ring balita sa babae. Parang mababaliw na si Paul sa pag-iisip na baka tinaguan na naman siya nito. Or worse, ayaw na nito sa kanya. "Sir, nagpunta na rin ho ako sa hospital pero kahapon pa daw po hindi pumapasok si Ma'am Yna..Ang sabi din po ng sekretarya niya ay wala daw po siyang alam kung saan ito nagpunta." nakayukong saad ng kanyang sekretarya. Napamura si Paul sa isip at napakuyom ng kamao. Wala pa siyang tulog pero hindi niya alintana ang pagod. Tiyak na mawawala ang pagod niya kapag nayakap na niya si Yna. She was all that he need. "Leave." maikli niyang sambit. Nagkumahog namang umalis ang kanyang executive secretary dahil sa naki

