PAUL VICENTE- He wanted to go home right now. Kahapon pa niya gustong umuwi pero hindi niya magawa. Wala pa siyang tulog kakaisip kung ano ang nangyayari kay Yna. Kagabi pa niya ito tinatawagan pero hindi sumasagot ang babae. Halos mabaliw siya kakatawag na parang gusto na niyang ibato ang cellphone sa kung saan. At kagabi ay agad niyang napagdesisyonan na umuwi. Fuck the summit meeting. Hindi rin naman siya makakapag-fucos kung ganitong nasa pilipinas ang kanyang isip. Kaninang umaga din ay tumawag ang babae pero ayaw daw nitong marinig ang boses niya. Like what the f**k is wrong with his voice? Ganon parin naman ang boses niya at hindi nagbago. Tuloy ay baka bigla siyang kinabahan na baka biglang nagsawa na si Yna. Na baka narealized nito na nagkamali itong papasukin muli siya sa bu

