Episode 9 - Intruder

1957 Words
Itinago ko ang wig ko sa loob ng closet at ginulo ang buhok ko habang nakatingin sa salamin. Tuwing gabi ko na lang nakikita na ganito ang itsura ko kapag matutulog na ako. Naninibago na tuloy ako ngayon sa mukha ko. Nang makuntento na ako sa pagmamasid sa mukha ko ay nagsuot ako ng sumbrerong itim na naarbor ko kay Gab noong New year's eve at sunod na isinaklob naman doon ang hood ng luma kong jacket na pula para tagong-tago ang mukha ko. Ngayon ko na lang ulit masusuot ang jacket na 'to dahil panlalaki ang design nito. Sa ilalim nito ay nakasuot ako ng itim na t-shirt at itim din na pants. Kaya ako nakaganito ngayon ay dahil may pupuntahan ako. Tiningnan ko ang hawak-hawak kong isang kapiraso ng tissue paper na may sulat. Iniutos na ipabigay sa 'kin 'to ni Neo sa katrabaho ko noong huling araw ko sa pagtatrabaho sa resto. Binasa ko ulit ang nakasulat doon kahit nabasa ko na 'to pagkabigay sa 'kin dati. Magkita tayo sa harap ng lugawan namin at dalhin mo ang summary ng research paper. January 2. 9pm sharp. Neo Aguilar. Kinuyumos ko 'yon at inilagay sa loob ng bulsa ng jacket ko. Hindi maganda ang kutob ko sa pakikipagkita niya sa 'king 'to pero hindi ko na inintindi 'yon. Siguradong takot din naman siya kay Bobby kaya hinding-hindi siya gagawa ng masama sa 'kin na ikagagalit nito. Lumabas na ako ng kuwarto ko kahit nakapanglalaki ako dahil wala naman si Hyacinth. Kararating ko lang ng hapon galing sa pag-a-apply kanina nang magpaalam siya na lalabas siya at magbabar kaya bukas na siya ng umaga makakauwi. Ipinamulsa ko ang isang kamay ko at naglakad na papuntang pinto ng bahay. Pinatay ko muna ang switch ng ilaw ng kabahayan sa gilid ng pinto kaya ang dilim na ng paligid. Wala naman akong magiging problema sa kadiliman ng lugar dahil sa mga glowing in the dark na apakan sa daanan ng dome. Binuksan ko na ang pinto at napasigaw ako sa gulat nang bumungad sa 'kin ang isang babaeng nakatayo sa labas na kaharap na kaharap ko ngayon. Ang dilim kaya hindi ko makita ang mukha niya. "Who are you?" naalertong tanong niya at namilog ang mga mata ko nang makilala ang boses niya. Si Hyacinth! Patay! Bumalik siya at hindi tumuloy sa pagbabar niya! "You're a thief, aren't you?!" Dinuro niya ako at doon ay kaagad na akong tumakbo para tumakas dahil nakapanglalaki ako ngayon at nadanggil ko pa siya sa pagdaan sa gilid niya. Narinig ko ang pagbagsak niya sa sahig dahil sa pagkakadanggil ko sa kaniya kaya napatigil ako sa pagtakbo at nilingon siya. "Ouch..." daing niya. Sorry... Tumayo na siya saka hinanap ako. "You intruder! Stop or I'll call the police!" sigaw niya kaya napamura ako at nanakbo na ulit paalis. Hindi ako sa main entrance ng dome lumabas kundi sa fire exit na tagong-tago rito sa likod ng dome. Gawa lang sa kahoy ang pinto n'on at hindi nilalock para hindi hassle kung sakaling magkakasunog nga sa lugar na 'to. Sinundan niya ako kaya naiwan ko nang nakabukas 'yon at nagtatakbo para tumakas. Ang bilis ng takbo ko na para akong si flash. Nang makita ko sa daan ang office na pinag-interview-han sa 'kin dati ni manang Tonet ay naisip ko agad na roon magtago. Buti na lang at dala ko lagi ang mga susi kaya nabuksan ko 'yon at agad na isinara. Habol na habol ko ang hininga ko sa pagod at buti na lang, medyo maliwanag dito dahil sa sinag ng buwan na pumapasok sa bintana. May nakita akong buhok na nasa ilalim ng lamesa at napasinghap ako nang malakas dahil doon. Dahil sa mga pinapanood na horror ni Hyacinth, napaparanoid na ako at ngayon ko lang naisip na wig lang ang buhok na 'yon. Naalala ko na itinago ko nga pala 'yon doon in case of emergency. Kamukha 'yon ng wig na ibinigay sa 'kin ni Gab na hanggang bewang ang haba at binili ko 'yon para magamit ko kapag kinakailangan. Buti na lang talaga at ginawa ko 'yon dahil makakabalik ako ng dome bilang si Terry. Hindi puwedeng hindi ako umuwi nang magdamag sa rest house dahil baka makatunog na si Hyacinth na ako 'yung lalaking nakita niya kanina. Mabuti na lang talaga at nakita niyang sa fire exit ako lumabas dahil siguradong iisipin niya na 'yon ang ginamit ko para makapasok. Si Terry lang naman at siya, bukod kay manang Tonet na nasa probinsya na ang authorized sa scanner ng dome na makapasok sa loob kaya laking pasalamat ko talaga sa madaling pasukin na fire exit na 'yon. Tinanggal ko ang sumbrero ko at kinuha ang wig na 'yon para isuot. Walang ingay rin na gumapang ako papuntang isang drawer sa may pader at binuksan 'yon. Nandoon ang isang set ng pangbabaeng damit na inihanda ko rin for emergency. T-shirt 'yon na kulay sky blue at mahabang navy blue na palda na hindi naman lagpas ng sakong ko. Napangisi ako. Ganito ako kametikuloso sa panloloko ng tao. Dali-dali na akong nagpalit ng damit at nang matransform ko na ang sarili ko bilang Terry, itinago ko ang mga pinaggamitan kong damit sa drawer saka lumabas na ng office at inilock ulit 'yon. Patingin-tingin ako sa paligid at mabuti na lang at wala si Hyacinth. Nang makalayo na ako kahit papaano ro'n at marating ang harap ng dome ay pinilit kong kalmahin ang sarili ko at huwag kabahan. Ang magiging alibi ko ay lumabas lang ako saglit para kumain sa labas dahil tinatamad akong magluto para sa sarili ko. Kapani-paniwala na 'yon. Kalmadong pumasok na ako ng dome at bukas na ang ilaw sa kabahayan pati sa labas ng veranda. Sigurado akong chinecheck niya kung may nawawala ba sa mga gamit dahil inakala niya na magnanakaw ako. Sino bang hindi mag-aakala? Makakita ka ba naman bigla ng isang estrangherong lalaki sa bahay mo habang patay ang mga ilaw. Magnanakaw talaga ang unang magiging tingin niya sa 'kin. Nang papasok na ako ng bahay ay nakita kong lumabas siya mula sa kuwarto ko kaya nanlaki ang mga mata ko at napatigil sa paglalakad. Pinilit kong halungkatin sa isip ko kung may mga panlalaki ba akong mga gamit na nakalabas at nagsimula nang patibukin nang malakas ng kaba ang puso ko dahil hindi ko matandaan kung mayro'n nga ba o wala. Siguro, kaya siya pumasok ng kuwarto ko ay dahil nagdududa na siya sa pagkatao ko? Napatingin na siya sa 'kin kaya mas lalong dumoble ang lakas ng pagtibok ng puso ko sa mas pinatindi pa na kaba pero hindi ko inaasahan na makita siyang umiiyak. Nanlaki ang mga mata niya nang makita na ako. "Terry!" puno ng pag-aalala na tawag niya sa 'kin at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. Natuod naman ako sa pagkabigla sa pagyakap niya sa 'kin na 'to. "I thought... something happened to you... I almost fainted when I saw you're not in your room." mas humigpit ang yakap niya sa 'kin habang umiiyak. "I even imagined you helplessly crying 'cause you can't even scream for help." Mabilis na pagtibok ang naging reaksyon ng puso ko sa pag-aalala niyang 'to sa 'kin. Para ring may naglalarong mga kung anu-anong insekto sa sikmura ko. Nanatili akong tuod sa yakap niya. "I will not forgive myself if you'd been harmed 'cause I left you here all by yourself. I swear I would not forgive myself..." Ang kakaibang nararamdaman ko sa dibdib ko ay nahaluan na ng malaking guilt dahil ang pag-aalala niyang 'to ay wala namang patutunguhan dahil hindi niya alam na ako rin naman 'yung lalaking kinatatakutan niya na gumawa ng masama sa 'kin bilang si Terry. Hindi ko namamalayan na yumakap na ako pabalik sa kaniya at marahang tinapik-tapik ang likod niya para pakalmahin. ~~~* * *~~~ "Someone infiltrated our home using the fire exit... and I caught him but he immediately fled. Hindi ko rin siya namukhaan dahil patay ang ilaw ng bahay nang makaharap ko siya." pagkukuwento ni Hyacinth ng nangyari kanina habang nakaupo kami ngayon pareho sa swing dito sa labas ng bahay. Nakatingin lang ako sa kaniya at imbis na matuwa ako dahil hindi niya ako namukhaan kanina, kinakain ng guilt ang puso ko dahil napaiyak ko siya sa pag-aalala sa 'kin kahit na hindi naman dapat. "Tell me. Where have you been in this late hour? But I'm thankful that you've gone outside dahil kung naabutan ka siguro n'ong intruder na 'yon, he might have done something bad to you." Kinuha ko ang phone sa bulsa ng paldang ko at nagtype ako ro'n. [Lumabas ako para kumain. Tinatamad akong magluto dahil wala ka naman.] Gaya ng magiging alibi ko, iyon ang idinahilan ko sa kaniya. Ni hindi ako makatingin nang deretso sa kaniya sa pagkaguilty. Ngayon lang sa buhay ko na naguilty ako nang ganito kasobra dahil sa pinaggagagawa ko. Ni wala nga akong pakialam kahit na gumagraduate ang mga bobong estudyante dahil sa kagagawan ko sa paggawa ng thesis nila. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya napatingin na ako sa kaniya. Determinasyon ang nababakas sa mga mata niya. "From now on, hindi na ulit kita iiwang mag-isa rito. I'll stop going to bars at night and stay with you. I'll promise that." Napakurap-kurap ako at tiningnan ko ang kamay ko na hawak niya. "Simula nang mawala si Mom dahil sa kagagawan ko, I never made any special connectons with others anymore. May dati na akong bestfriend and her name is Hazel." Napangiti siya nang malawak. "College classmate ko siya at regular customer din ako sa coffee shop na pinagtatrabahuhan niya. Then, I let you Terry to enter my life and be my friend." Napaturo ako sa sarili ko sa pagtatanong. "Yes. I asked you to be my friend noong new year, 'di ba?" Tumango-tango naman ako at binitawan na niya ang kamay ko. "You are now one of the few people I cherish kaya I was really scared that something might have happened to you with that intruder's doing earlier. I apologize that I barged into your room. I was trying to find you that's why." Nakatungo na siya at nakatingin sa lupa saka marahan na inuugoy ng paa niya ang duyan namin. Dahil sa mga kaklase kong mayayaman na walang ginawa kundi manlait ng mas mahirap sa kanila, nageneralized ko na  ang mga mayayaman na mga matapobre at masasama ang ugali... pero ibang-iba talaga siya. Nagsulat ulit ako sa phone ko. [Wag mong pigilan ang mga gusto mong gawin dahil sakin. Lalagyan ko na lang ng lock yong fire exit para hindi na tayo mapasok dito sa loob gamit yon.] "Okay, do it but magbabawas na talaga ako ng pagpunta sa bar. Plano ko na talaga 'yon at kaya nga ako bumalik kanina dahil bigla akong tinamad. Gusto ko na makipag-inom na lang sa 'yo dahil mas may sense kang kasama kaysa sa mga nakakadiring lalaking sumusubok na manlandi sa 'kin sa bar." may pagka-asiwa na sa mukha niya dahil sa huli niyang sinabi. Nacurious naman ako kung bakit galit na galit talaga siya sa mga lalaki. [Ayos lang ba na magtanong ako?] Binasa niya ang ipinapakita ko sa kaniya at game na game naman siyang tumango-tango. "It's alright. We're friends after all and it's nice to share some information about ourselves with each other so expect that I will ask you as well." nakangiti niyang sabi. Tumango ako at isinulat na ang tanong ko. [Bakit galit ka sa mga lalaki?] Natulala siya sa screen ng phone ko kung saan nakasulat ang tanong na 'yon. Napatungo na ulit siya at nagkaroon ng madilim na aura sa paligid niya. Patay. Dapat pala, hindi ko na lang itinanong 'yon sa kaniya. Ipagpapatuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD