Nagpanic naman ako sa hindi magandang naging reaksyon niya. Baka katulad ko ay may hindi rin siya naranasang maganda sa mga lalaki. Sa 'kin ay sa mga babae.
Nagsulat ako ng panibago. Kinulbit ko siya at ipinakita 'yon.
[Ok lang na wag mo nang sagutin. Nagtataka lang ako.]
Umiling-iling naman siya at ngumiti. "No... It's fine. I'll tell you... but I hope, you'll keep this as a secret between you and I."
Sobra naman ang naging pagtango ko para ipakita na isi-sikreto ko talaga 'yon.
Kahit mukhang hindi siya kumportable ay inihanda na niya ang sarili niya na magkuwento sa 'kin sa paghinga nang malalim. "Nabanggit ko na sa 'yo 'di ba na I dated different guys to rebel against Dad? Doon ko lang naintindihan ang pagkatao ng mga lalaki. That all they want is s*x. Lahat ng mga 'yon, nag-initiate nang gano'n pero dahil mula ako sa isang conservative na pamilya, I never did it. Basic skinships lang like holding hands and hug ang hinayaan ko. Kiss? No fat chance."
Kung gano'n, palabas niya lang talaga ang pakikipagdate sa iba't-ibang lalaki para galitin ang Dad niya.
"Then nanligaw sa 'kin 'yong crush ko dati sa school. Sinagot ko agad siya and we dated for many months. Dahil sa kaniya, nalaman ko na hindi naman lahat ng lalaki gano'n... pero isang gabi, we were in his car and he suddenly asked for a kiss. First time 'yon na humiling siya nang gano'n. Tumanggi ako dahil hindi ko pa naman siya gano'n kamahal para ibigay ang first kiss ko pero hindi ko inaasahan na sobra siyang magagalit." Kumuyom ang mga kamao niya nang parang may maalala na hindi maganda.
"H-he tried to r**e me... in his car."
Nanlaki nang sobra ang mga mata ko.
Ano?! sigaw ng isip ko dahil sa nalaman ko.
Napapikit siya nang mariin at tuluyan nang napaiyak. "I t-thought... he was a good man pero inamin niya na he only dated me 'cause one of his friends that I dated before him told him kung gaano ako kaconservative. Nachallenge siya that's why he started to pursue me at tyinaga ang ilang buwan ng pakikipagrelasyon sa 'kin to gain the great record of getting my first. Nang subukan niya na akong hingian ng kiss at hindi pa rin ako pumayag, he finally snapped."
Nakuyom ko na rin ang mga kamao ko dahil sa galit sa lalaking 'yon na ikinukuwento niya. Parang gusto ko nang hanapin kung saang lupalop sa mundo nakatira 'yung hayop na 'yon at basagin ang mukha niya.
"He tried to forced himself to me but fortunately, I managed to flee and immediately called Hazel and told her everything that happened. Kahit gabing-gabi na, pinuntahan niya pa rin ako sa isang convenience store na pinag-stay-an ko. I cried so much habang yakap niya ako and my whole body was trembling non-stop. That was the time I missed my Dad so much... I was so sure, he would rage in anger from what that assh*le bastard tried to do to me."
"Sinamahan ako ni Hazel kay Dad sa bahay namin para magsumbong kami but different from what we expected... sa 'kin pa siya nagalit at ako pa ang sinisi niya. Ipinahiya niya ako nang sobra sa mga nagising naming mga kasambahay at kay Patricia pati kay Hazel mismo. Kasalanan ko naman daw kung bakit muntik na akong marape. Dahil hindi raw ako nakikinig sa kaniya at nagrerebelde ako. That I finally reaped what I've sown." Sobrang disappointment ang nababakas sa mukha niya dahil sa Dad niya.
Hindi ko inakala na susumbatan pa siya ng Dad niya kahit na muntik na siyang marape.
"I knew well that it was my fault... pero ano ba naman 'yong kaunting simpatya na gusto kong makuha sa kaniya dahil sa nangyari sa 'kin. I am his only daughter... pero sinumbatan niya lang ako. I was really disappointed and hurt to the point that I doubted if he still sees me as his daughter. Hindi nga siya nagfile ng report sa mga pulis para ipahuli 'yung lalaking 'yon. Because of that, the unseen distance between I and him grew larger and larger."
Ang bigat-bigat na ng atmosphere namin dahil sa ikinuwento niya.
Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit siya galit sa mga lalaki. Dahil mismong Dad niya na kaisa-isang pamilya niya na naiwan sa kaniya at dapat na pumoprotekta sa kaniya ay nasaktan siya nang ganoon kasobra... katulad ng ginawa sa 'kin ng nanay ko.
"With those traumatic events I experienced starring different men, one monster from their kind and also my Dad, I started to hate guys." Suminghot-singhot siya habang kinakalma na ang sarili at kinuha ang laylayan ng palda ko saka pinangpunas 'yon sa mga luha niya.
'To talagang isang 'to, kahit ano sa suot ko, ginagawang panyo.
Dahil sa ginawa niya, medyo nawala ang mabigat na atmosphere sa paligid.
[Ok lang na dyan ka na suminga.]
Nakatingin lang siya sa isinulat ko. "Hindi na. I'll get a tissue inside." Tumayo na siya at pumasok ng bahay para kumuha ng tissue sa loob. Mukha tinablan siya ng hiya.
Grabe. Hindi ko inakalang may ganoong nakakatrauma pala siyang pinagdaanan. Dapat pala ay hindi na ako maging padalos-dalos sa mga kilos ko at baka sa susunod na mahuli niya ako bilang Lester, hindi na ako makalusot at tuluyan niya nang malaman na lalaki ako. Kapag nangyari 'yon, mas lalo na siyang magagalit sa 'ming mga lalaki at masasaktan pa nang sobra dahil naloko na naman siya.
Ano naman kung masaktan siya? Nandito ka lang naman para sa pera at hindi para makipaglaro ng kaibigan-kaibiganan sa kaniya.
Gano'n na ang plano ko pero hindi naman ako sobrang mukhang pera na wala na akong pakialam sa mararamdaman ng ibang tao... lalo na sa kaniya. Hindi ko alam pero simula nang malaman ko ang kuwento niya, nagkaroon na ako ng pakialam sa kaniya.
Maraming minuto ang lumipas bago siya lumabas ulit ng bahay. May nakaipit na tissue box sa kilikilihan niya at hawak niya ang dalawang baso ng orange juice na namamawis sa sobrang lamig. Nagtimpla pala siya ng juice kaya siya natagalan at siguradong nag-ayos na rin siya sa loob dahil wala ng bakas ng mga luha sa pisngi niya.
Tumayo kaagad ako para salubungin siya at inabot niya sa 'kin ang isang baso ng juice kaya kinuha ko agad 'yon para hindi na siya mahirapan.
Kinuha na ng libreng kamay niya ang box ng tissue sa kilikilihan niya at umupo na ulit kami sa swing.
Tiningnan ko ang juice na ibinigay niya sa 'kin at ang daming yelo nito. Masakit pa naman ang lalamunan ko sa lamig ng panahon at paos na rin ako dahil doon. Baka mawalan na talaga ako ng boses kapag ininom ko pa 'to.
"Hindi ko inakalang magkukuwento ako ng buhay ko sa iba specially, that traumatic part of my life that I really wanted to bury in the deepest place of my mind. Talagang special ka na sa 'kin na nakuwento ka na sa 'yo ang halos buong buhay ko." Ngumiti siya nang malawak at parang bigla siyang lumiwanag sa mga mata ko.
Talagang special ka na sa 'kin...
Special ka na sa 'kin...
Special ka...
Nagpaulit-ulit 'yon sa isip ko dahil sa tana ng buhay ko, sa iilang tao lang ako naging espesyal.
Sina sister Nida, tatay Reynaldo, Gabriella at Bobby lang ang tumuring sa 'kin na espesyal ako para sa kanila kaya nakakapanibago na marinig ang salitang 'yon sa iba.
Napainom kaagad ako ng malamig na juice na hawak ko para maalis ang pagkatulala ko sa kaniya. Ang sakit n'on sa lalamunan pero tinungga ko lang para makapag-isip pa rin ako nang matino. Naubos ko agad 'yon.
"So now, it's your turn to tell your story," sabi niya na halatang excited. "You can type it there in your phone. I'm willing to read it even you type a novel."
Ipinatong ko muna ang wala ng laman baso sa tabi ko at tiningnan nang ilang segundo ang phone ko dahil iniisip ko kung magkukuwento ba ako sa kaniya o hindi.
Nang makapagdesisyon na ako ay nagsulat ako ro'n gamit ang parang pen na accessory nito.
[Sorry Hyacinth pero pwede bang sa ibang araw na lang ako magkwento? Hindi pa kasi ako handa na malaman mo ang nakaraan ko.]
Dahil sa nabasa niya, parang na guilty naman siya. "It's okay Terry. You don't need to tell if you're not really comfortable. I'm happy enough that you listened to my story. When the time comes that you want to tell me yours, I am always willing to listen." Ngumiti siya nang malawak kaya ngumiti rin ako sa kaniya.
Tumambay lang kami nang ilang sandali na tahimik pareho pero mayamaya ay naghum siya. Intro ng Can't help falling in love ang hini-hymn niya habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit.
Ako naman, sa kaniya ako nakatingin dahil nagagandahan ako sa boses niya at pati sa kaniya.
Narealize ko ang napakalaking pagkakaiba naming dalawa sa kabila ng iilan naming pagkakapareho.
Pareho kaming galit sa opposite s*x at mga magulang namin pero magkaiba kami sa pagdadala ng nararamdaman naming sakit.
Ako, ginagamit ko ang p*******t ng iba bilang motivation para patuloy akong mabuhay dahil gusto kong sa huli, hindi na nila magawa sa 'kin ang mga 'yon dahil masyado na akong mataas para maabot pa nila. Gusto ko rin na magsisi nang sobra ang nanay ko na iniwan niya ako dahil hindi niya aakalaing napakataas ng maaabot ko kahit na inabandona niya ako.
Siya naman, sinisira niya ang buhay niya para lang makuha ang atensyon ng tatay niya. Ang mga problema niya rin ay hinahayaan niyang lumupig sa kaniya pero ang mas malaki pa naming pagkakaiba ay ang pagkatao namin.
Ako, sa sobrang kagustuhan kong umangat, nanloloko na ako ng tao at gumagawa ng masasama pero siya, kahit sinisira niya ang buhay niya, hindi niya hinahayaan na madamay ang iba sa ginagawa niya. Kahit na rebelde siya, nangingibabaw pa rin ang napakabuti niyang pagkatao at marunong magpahalaga sa iba kahit na mas mababa ang estado ng buhay kumpara sa kaniya.
Napangiti ako nang wala sa oras. Kung kaparehas niya lang sana ako at mabuti rin ang pagkatao ko, hindi ko sana kinaaayawan ang sarili ko dahil sa baluktot na pamamaraan ko sa pagkuha ng tagumpay. Nagsisimula na rin akong magalit sa sarili ko dahil biktima siya ngayon ng panloloko ko.
Kung mabuti lang din sana akong tao...
~~~* * *~~~
Kinabukasan...
Huling araw na ng bakasyon dahil bukas ay may pasok na. Sobrang sama ng gising ko dahil ang sakit ng lalamunan ko. Namamaga 'yon dahil sa pagtungga ko kagabi ng napakalamig na juice na tinimpla ni Hyacinth. Masyado ring matamis ang pagkakagawa niya n'on kaya mas lalong nagpamaga 'yon sa lalamunan ko.
Sinubukan kong magsalita kanina nang mahina pero nawalan na talaga ako ng boses. Natatakot ako na baka maging pipe na talaga ako. Siguradong ilang araw ay babalik din 'to. Bibili na lang ako ng gamot sa pharmacy mamaya para mawala ang pamamaga nito.
Nagsimula na ulit ako sa morning routine ko at tanghali na nagising si Hyacinth. Katulad ng nakasanayan, nang tapos na siyang mag-ayos ng sarili niya at kumain, lumabas na siya ng bahay para bumuntot sa 'kin sa pagdidilig ko ng halaman.
Ang totoo, hindi muna ako nagsimula kanina na magdilig dahil hindi pa siya lumalabas at saka lang nang matanaw ko siya na lumabas na ng bahay ako umakto na nagdidilig ako.
Binati niya ako at nginitian ko siya bilang pagbati rin sa kaniya. Nakasunod na naman siya sa 'kin sa pagdidilig ko.
"Terry... This is just pure curiousity..." biglang sabi niya habang busy ako sa pagdidilig ng mga hyacinths kaya napatingin ako sa kaniya. "But I hope, it won't offend you in anyway." ngumiti siya ng ngiwi na parang may tanong siya nahihirapan siyang sabihin.
Pinatay ko muna ang spray hose at hinarap siya nang maayos. Tumango-tango ako para sabihin na ayos lang na itanong niya 'yung gusto niyang itanong.
"Ahhh... I keep on seeing you wearing that pink turtle neck blouse. I just want to know if is it your favorite top or... you just only got few clothes? No harm meant, okay?"
Napatingin ako sa suot ko at kung iisipin ko nga, lagi ngang ito ang suot ko. Dito kasi ako mas kumportable kaysa magt-shirt ako tapos nakascarf. Ang init-init pa naman sa leeg ng scarf.
Ipinakita ko ang isang daliri ko sa kaniya para sabihing 'yung una ang dahilan ko kung bakit ko 'to laging suot.
Napatango-tango naman siya. "Ahhh... So that's why... but you must know that I don't mind seeing the scar on your neck that you're always hiding. I hope, you stop covering it 'cause to tell you, I accept all of you as my friend."
Napakurap-kurap lang ako sa sinabi niya at parang nagkaroon siya ng mga puting-puting mga pakpak at halo. Nagmumukha na siyang anghel sa 'kin sa bait niya.
Nagdilig na lang ulit ako ng mga bulaklak dahil nakatulala na ako sa kaniya.
"Do you have any plans later?" Inilapit niya ang mukha niya sa gilid ko at nang mapatingin ako sa kaniya, ang lapit sobra ng mukha namin sa isa't isa. Itulak lang ako nang kaunti ay siguradong nahalikan ko na siya ng wala sa oras.
Lumayo ako nang kaunti dahil hindi ako kumportable sa delikadong distansya namin sa isa't isa.
Umiling-iling ako dahil wala naman akong balak na puntahan.
"Perfect! Samahan mo ako sa mall mamaya."
Nangunot ang noo ko nang kaunti sa pagtataka dahil sa bigla-bigla niyang pagyayaya.
"Let's go S.H.O.P.P.I.N.G. Shopping~" Pumalakpak pa siya habang nanginginang ang mga mata sa tuwa.
"I'm afraid, you need to cancel that plan Hyacinth." biglang may nagsalita na boses ng lalaki mula sa malapit kaya sabay kaming napatingin na dalawa ro'n.
Isang lalaking nakatuxedo at sa tantya ko ay nasa 50's na ang edad ang nakatayo hindi gaanong malayo sa 'min. Seryosong-seryoso ang mukha niya at maawtoridad ang tingin niya na kay Hyacinth lang nakatutok.
Sa tabi niya ay isang babaeng maikli ang buhok at mestisa na napakasopistikada sa suot na yellow dress. Hanggang baba ng tuhod ang haba n'on. May hawak itong maliit na purse at nagkikiningan ang suot na malalaking alahas na mas nagpaelegante pa rito. Sa tingin ko, nasa mid 30's lang siya sa bata ng itsura niya.
"D-dad..."
Nanlalaki ang mga matang napatingin ako kay Hyacinth dahil sa itinawag niya sa lalaking 'yon.
Ipagpapatuloy...