Chapter 8

2084 Words

Jessa's POV INIHATID nga siya ni Timothy pabalik sa cabin.  Guwapo din ang lalaki. Prominente ang ilong at kulay green ang mga mata. Nakakamangha. Wala pa siyang nakikitang pangit sa yate na to mula pa kanina. Miski ang lalaking nakamaskara kahit hindi pa man niya nakikita ng tuluyan ang buong mukha nito masasabi niyang guwapo ito sa likod ng maskara nito. Pasalampak na nahiga siya sa kama. Bitin siya sa kain. Nahiga siya habang nakadipa ang mga kamay at tumulala sa kisame. Hindi pa niya na tatawagan ang Papa niya. Siguro sa mga oras na to na sa Ilocos na ang Papa niya. Nangako siyang tatawagan ito. Naalala niya ang cellphone niya! Bumalikwas siya ng bangon, hinila niya ang kumot at pinagpag. Sumunod ay ang bed sheet. Wala ang cellphone niya. Lumuhod siya at sinilip ang ilalim

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD