Chapter 7

1413 Words
Jessa's POV NAKASUOT ng puting polo ang lalaki at nakabukas ang lahat ng butones kaya naman hantad ang makasalanang katawan nito sa mga mata niya. Agad niyang isinara ang bibig sa pag-aakalang baka tumulo ang laway niya sa kakatingin dito. Malapad ang dibdib nito na napakakinis, ang sarap ding titigan ang abs nito. Hindi niya maiwasang pagnasahan ang kaharap. Hindi tuloy siya makapaniwala na kagabi lang o kaninang madaling araw lang nakayakap sa kanya ang matitipuno nitong mga braso. Parang isang panaginip ang nangyari. Masakit na masarap na panaginip. Napakagat siya ng labi sa itinatakbo ng isip niya. Kung nakakabasa lang ng isip ang lalaking kaharap niya baka ma-turn off ito kapag nabasa ang kanya. "Are you still sore, doll?" anas nito. Nagtayuan ang balahibo niya sa boses nito. Para iyong nangingiliti sa kanyang tainga at naglalaro sa imahinasyon niya. Napalunok siya dahil tila nag-aapoy ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Pinasadahan siya nito nang tingin. Tumayo ito at humakbang papalapit sa kanya kaya naman napaatras siya. Napasandal siya sa pintuan ng banyo. Itinukod naman nito ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng ulo niya para ikulong siya. "I want to f**k you..." bulong nito sa kanya. Agad na nag-init ang pisngi niya sa sinabi nito. Mas inilapit pa nito ang mukha niya kaya naipaling niya ang mukha para iwasan ito. Tumikhim siya para alisin ang bara sa lalamunan at para na rin kahit papaano tumino ang isip niya dahil nag-uumpisa na siyang mabaliw sa pagkakalapit nilang dalawa. "P-Pero t-tapos na po a-ang trabaho ko..." utal-utal na aniya dito. Hindi niya magawang titigan ito dahil sa mga titig nitong nakakapanginig ng tuhod. Saka ano ito sinusuwerte? Isang gabi lang naman ang binayaran nito kaya hindi na puwede ang sinasabi nito kahit pa parang gustong magtraydor ng katawan niya. Bahagya itong lumayo sa kanya. "I bought you," anito. Napatanga naman siya dito. "W-What--" "I already bought you, that means you are mine now, my playmate, my p***y doll." Nangunot ang noo niya sa sinabi nito. "I own you now..." parang batang nangingislap ang mga mata nito habang sinasabi iyon. Pinaraanan ng daliri nito ang pisngi niya. Mabilis na pinalis niya iyon dahil nawawala siya sa focus. "T-Teka! I'm not for sale!" aniya na hindi na napigilan ang pagtaas ng boses. "Anong bought bought ka diyan. Anong akala mo sa akin laruan? Na nabibili? Serbisyo ko lang ang binabayaran mo, okay?" mahabang paliwanag niya dito. Ano ito suwerte? Hindi porke't costumer niya ito may karapatan na itong insultuhin siya. Nakaka-insulto na kung magsalita ito para ba siyang stuff toys na bibilhin nito para paglaruan. Ang hot nito pero di uubra sa kanya ang ugali nito. Tao siya at hindi bagay. Hindi siya laruan. Oo nga at nagpapabayad siya pero hindi niya kayang sikmurain na ituring siya nitong bagay at hindi tao! Pagkatapos niya itong pa-ungolin? Ha! Never! Tumalim ang mga mata nito at mas lalong lumapit sa kanya. "No.one.can.say.no.to.me!" mariin ang bawat salitang anito sa kanya. Matapang na sinalubong niya ito ng tingin. "No, no, no!" nanunuyang aniya dito. "Ayan nasabi ko na!" nakakalokong aniya. Nagulat naman siya nang suntukin nito ang pader sa gilid niya. Napalunok siya at nanlaki ang mga mata niya. Humaging kasi sa pisngi niya ang kamao nito. Muntik na siyang tamaan! Bayolente ang lintik! "Do not test my patience because I do not have that!" gigil na anito. Nanlilisik ang mga mata nito sa galit. Hindi siya nakapagsalita parang umurong ang tapang niya sa nakikitang galit sa mga mata nito at sa inaakto nito. Parang gusto nitong alugin ang ulo niya para maunawaan niya ang sinasabi nito - base sa anyo nito. Mabibigat ang paghinga nito. Pilit kinakalma ang sarili. Taas-baba ang dibdib nito na tila sobra ang pagpipigil para hindi siya masakal. Matalim pa rin ang mga mata nitong nakatingin sa kanya bago ito umiwas ng tingin at tinalikuran siya. Nasa pintuan na siya ng muling lumingon ito sa kanya. "Let's eat our lunch," malamig na anito at tinalikuran na siya. Naibuga niya pinipigil na paghinga kanina pa. Napadausdos siya paupo sa sahig. She was shaking! s**t may saltik pa ata ang unang costumer niya! ISANG yate! Hindi siya makapaniwalang nailipat siya nito sa isang yate. And it's not just a yacht, it's a f*****g luxurious yacht. And she knows a luxury yacht is not just a mode of transportation, but a symbol of wealth and status symbol, that can only be afforded by the wealthy billionaires of the world. Kung ibang hooker baka matuwa na malamang bigatin ang costumer nila. Pero hindi siya. Bigla siyang nakaramdam ng takot para sa sarili. Ang tingin nito sa kanya ay isang laruan. Paano kung paglaruan siya nito? Katulad sa mga movie at mga article na nababasa niya. Yung mga tinoturture at kinakawawa sa s*x? Anong laban niya? Paano niya maipagtatanggol ang sarili? "Doll?" Napatalon siya ng bigla siyang tawagin ng lalaki na hanggang ngayon ay hindi niya alam ang pangalan. Nakasuot pa rin ito ng maskara. Napatingin siya sa kamay nitong nakalahad sa harapan niya. "Come here," anito. Napalunok siya at nanatiling nakatingin sa kamay nito. Hindi niya magawang ihakbang ang paa dahil paano kung... "I said come here, doll!" tumaas ang boses na anito. Napakagat labi siya. Gusto na niyang umuwi. Lumingon siya dagat. Puro dagat ang natatanaw niya, walang katapusang karagatan. Kung tumalon kaya siya do'n? Kaso baka may pating. "Hey..." lumapit ito sa kanya at hinaplos ang balikat niya. Mabilis siyang umiwas. Napatiim-bagang ang lalaki. "The food is waiting, follow me," anito saka muli ng lumakad. Huminga naman siya ng ilang beses saka nanginginig ang tuhod na sinundan ito. Umakyat sila patungo sa upper deck. Namangha siya ng makitang may helipad doon. May naka-set na mahabang table, sari-saring seafoods ang nakahain, mga prutas at desserts. Parang fiesta. Biglang kumulo ang tiyan niya. Naghuhumiyaw at nagpa-party sa mga pagkaing nakahain. Nawala sa isip niya ang umuwi. Nakaramdam siya ng matinding gutom at paglalaway sa mga nakahain. Nanliit ang mga mata niya sa King crabs wala sa loob na dinilaan niya ang mga labi niya. "Seat," utos ng lalaking naka maskara. Walang imik na sinunod niya ito. Agad na lumapit ang isang lalaking naka-chef uniform. Pinagsandok nito ng pagkain ang lalaki na parang hari. Sabagay para nga itong hari kung umasta. Nakalagay sa labi nito ang daliri habang pinagmamasdan ang tagasilbi na ipaghiwa ito ng steak. Nagkibit-balikat na lang siya at nagsimulang sumandok ng pagkain. Agad niyang binali ang galamay at nagniningning ang mga matang sinumulang lantakan iyon. Napapikit siya sa sarap. Ilang buwan na rin kasi siyang hindi nakakatikim ng ganong pagkain. Puro kasi pagtitipid ang ginagawa nila. Naisip niya ang Papa niya. Paborito nito ang seafoods kahit madalas na ma-high blood ito. Bigla siyang nawalan ng gana. Ang sarap ng kinakain niya samantalang di niya pa nakakamusta nag Papa niya. "What's wrong, doll?" tanong ng lalaki sa kanya. Habang marahan nitong hinihiwa ng maliit ang sugpo. "Ah... N-Nothing..." aniya na hindi napigilang pumiyok. Bumukas ang labi nito para magsalita nang may marinig silang papalapit na ugong. Sabay silang napatingala sa helicopter na pababa sa helipad. Lumakas ang hangin at halos makain niya na ang buhok niya. Relax naman na dinampot ng lalaki ang napkin at pinunasan ang bibig saka ito tumayo. Mabilis naman siyang uminom ng tubig at sumunod sa lalaki. Nakalapag na ang helicopter na may malaking letrang B sa pintuan. Tumabi siya sa lalaking nakamaskara at nakihintay sa bababa sa kung sino mang sakaybng helicopter. Napanganga siya ng isang napaka guwapong nilalang ang bumaba mula sa helicopter. Pinagpag pa nito ang soot na suit at isinara ang butones bago nagpatuloy sa paglapit sa kanila. Bawat galaw ng lalaking bumaba sa helipad ay nakaka-akit. Para itong isang Italian hot model na lumalakad sa run way. "Artista ba yan?" bulong niya sa lalaking nakamaskara sa tabi niya habang ang mga mata'y nakapako sa bagong dating. "Go back to your f*****g cabin, doll," malamig na anito sa kanya. "Mamaya na pakilala mo'ko..." aniya dito at tinusok pa ang tagiliran nito. Napapitlag naman ito sa ginawa niya. "What the--" "s**t! Ang guwapo niya..." hindi mapigilang anas niya. "Timothy!" sigaw ng lalaking nakamaskara. Agad namang may lumapit na lalaking naka-black suit na may itim pang earpiece sa tenga. "Sir?" alertong anito. "Bring her down stairs and lock her in her f*****g cabin!" malakas na utos nito. "Wait! Di pa ko tapos kumain!" tutol niya. Sayang ang crabs! "Now!" malakas na sigaw nito na ikinapitlag niya. To be continued... 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD