Chapter 3
Suzanne's POV
Naupo ako sa tapat ng table niya habang iritang-irita ako sa mga tingin niya sa akin habang kausap si Greg. Ano ba 'yan, mga lalaking chismoso!
Nagtataka siguro kayo ano? Kasi dito lang naman sa Lohan Enterprises ako tumuloy at dito nga ako galing kahapon kung saan nag-eskandalo ako sa reception area nila, hindi nga makapaniwala ang ibang empleyado na bumalik na naman ako at hinanap ko si Greg at si Greg pala ang alalay ni Tyrill na siyang naglaba ng suot kong damit ngayon.
Bakit ba tinanggap ni Sir Ryke ang trabaho kong 'to? Alam ba ni Sir Ryke ang lahat ng kapalpakan ko?
Nag-vibrate naman ang phone ko na naka-ipit na naman sa cleavage ko at kukuhanin ko na sana pero nakatingin sa akin si Tyrill, at ang manyak sa cleavage ko nakatuon ang malamlam niyang mata. Inirapan ko siya at tumalikod ako sa kanila para kunin ang phone ko.
Hindi ko na tiningnan kung sino ang tumatawag at sinagot.
"Hey." Sagot ko sa linya.
"Anne pinapaalalahanan kita na dalawang buwan lang ang ibibigay ko sayo na palugit bago bayadan ang utang mo."
Ano ba naman 'yan kailangan pa talagang ipaalala? Tsaka sino ba 'to? Malamang asawa ni Aling Petra 'to. Ang asawa niyang matabil.
Binaba ko na ito at hindi na pinakinggan ang susunod niyang sasabihin sa akin, masakit sa tenga.
Bumuntong hininga ako at humarap sa kanila ay sa kanya na pala kasi nag-iisa na lang siya, wala na si Greg.
"Zanne I know that you have a big problem that makes you feel bad right now. I want to help you." Napaka-seryoso niyang sabi habang titig na titig sa akin.
Alam niya ang pagkaka-utang ko? Nakikinig yata siya kasi kahapon sa usapan namin ni Aling Petra.
"It's Anne, A-N-N-E. Besides I don't need your help." Seryoso kong balik sa kanya.
"I can pay for your debt, Zanne. Five million is a big money. You don't like?"
Nagliwanag naman ang mga mata ko. Ano babayadan niya ang utang ko? May tinatago din pala siyang kabaitan sa kaibuturan ng puso niya.
"Okay, I'll accept it. Thank you." Masaya kong saad.
"But in many conditions, find these people." May inabot naman siya sa aking tatlong picture.
"Okay fine." Kinuha ko naman ang picture na nasa ibabaw ng modern table niya. Ipinasok ko naman sa bag ko na chanel na binili ko sa may bangketa nakaraang linggo.
"And this." Inabot niya pa ang isang papel na parang iba. Ngumisi siya nang maiabot niya na sa akin.
"Marriage contract? Ano 'to?" Baling ko sa kanya, hindi ko maintindihan.
"You will marry me first before that deal." Sabi niya sa akin habang ang mga ngiti niya'y nakakaloko.
Over my dead sexy body ayoko pang mag-asawa! Wait, pero fake naman ang ino-offer niya at babayadan niya din ang utang kong limang milyon.
Bahala na Anne, chance mo na ito besides kulang ang sahod mo para makapag-ipon ng limang milyon sa loob ng dalawang buwan.
Tumingin ako sa kanya at binigyan ko siya ng ngising ikinairita niya.
"Fine, deal! In one condition, don't fall in love with me." I insist and give him a seducing smile.
Ngumiti din siya na parang nanalo sa lotto.
"Don't worry. I'm not the kind of man that you think. I will order an annulment after six months." Ngisi niyang saad.
Ano bang kailangan niya sa isang tulad ko? Mabilis lang naman ang six months 'di ba?
"Why are you doing this?" I asked him.
Napatitig naman siya sa akin ng sobrang seryoso.
"Because dad wants me to get married first before I get this company. So, I find out that you can help me to that rule. If you'll marrry me, you have your five million bill and I'll own this company, that's our deal. We will be helping each others business." Napangiti siya sa akin.
So hot, halos mapanganga ako. Ang pogi kasi at ako pa ang napili niyang pakasalan. Ang dami namang babae d'yan na empleyado niya ako pa? Ang lakas yata ng appeal ko.
"Close your mouth before some insects could enter into it." Sabi niya at hinawakan ang baba ko at inangat ng konti para masara ang bibig ko.
Ano bang nangyayari sakin? Nakakahiya.
Pagkatapos niyang gawin 'yon ay tumitig siya sakin ng napaka-intense at inilapit pa ang gwapo niyang mukha.
"I want to bite that lip and I'm so excited to do it. Maybe someday." He smirks.
Halos hindi ako maka-galaw sa kinatatayuan ko sa mga sinabi niya. Ang bastos lang isipin pero nakakakilig. Ano ba 'yan Anne gising na, kailangan mo ng gawin ang trabaho.
Tumalikod naman siya sakin at nagsalita.
"Mind if you leave my office or you are enjoying with me?" Saad niya na may halong nakakalokong tono at tuluyang umalis.
Napaka-yabang naman niya. Enjoying with him? Ano siya sinuswerte?
_____
Pagkatapak ko sa red carpet ay bigla akong kinabahan. Paano ba 'to, ikakasal na 'ko sa lalaking 'di ko gusto. Matagal ko nang pinapangarap na magpakasal sa isang taong mahal ko at mahal niya ko kaso mukhang hindi na matutupad 'yon kasi nga ikakasal na ako.
Nagsimula na akong maglakad habang madaming nakatingin sa akin, relatives niya syempre at co-workers ko na naka-support sa akin. Syempre ibinalita ko sa kanila pero secret lang 'yong deal namin ni Tyrill.
Six months lang naman tatagal ang deal na 'to kaya pumayag na 'ko, ibibigay niya daw ang pera sa susunod na linggo pero hindi na ako sa sasahuran sa pag-imbestiga ko sa pinapahanap niya.
Habang naglalakad ako ay nakatingin sakin ang mom ni Tyrill, si Tita Anly. Masaya naman ang mukha niya at siya rin ang sumagot sa wedding dress kong black sa taas habang faint white hanggang sa baba. Oo ito ang gusto ko, minsan lang mangyari kaya sinulit ko na.
Pagkarating ko sa harap ay yumuko ako, sasabihan niya na naman kasi ako ng maganda na siyang ikakakilig ko.
Kumapit ako sa braso niya at naglakad na kami hanggang sa may hagdan akong inakyatan at hindi siya sumunod. Ano ba?
"Lumagpas ka na." Bulong niya sa akin.
Tumingala ako para makita ko kung nakalagpas nga kami. Pagkatingala ko ay ang lapit na ng mukha ng father sa mukha ko.
Ano na namang kapalpakan ang ginagawa mo Anne? Nakakahiya ka.
Napabalik na lang ako sa baba ng altar at tumawa naman ang mga nandoon pati si father.
"Mukhang excited yatang umuwi ni Ms. Hatt." Sabi ng pari na ikinalakas pa ng tawa ng mga tao. Ano ba? Pulang-pula na siguro ang mukha ko ngayon.
Nagsimula na ang seremonya at kung ano-ano pa ang sinabi ni father. Hindi ako nakikinig kasi nakatitig lang ako sa gwapong lalaking pinapakasalan ko ngayon.
Oo ang hot niya sa suit na gray, hindi siya nakabarong kasi pangpatay daw.
Bigla namang lumakas ang t***k ng puso ko nang tumingin din siya sa akin at nag-smirk.
"Tunaw na 'ko mamaya niyan pagdating sa reception." Sabi niya habang nakangisi.
Ang kapal talaga ng mukha niya! Ano siya ice cream, yelo?
Iniwas ko na lang ang tingin ko at tumingin kay father.
"You look gorgeous in that dress." Bulong niya sa akin at alam kong nakatingin din siya sakin. Bigla namang bumilis ang t***k ng puso ko at parang nagugutom na ako kasi parang nagpaparty ang mga bulate sa tyan ko. Ito na yata ang sinasabi nilang 'butterflies in stomach'.
"Tunaw na rin ako mamaya sa reception." Pagkasabi ko ay iniba niya na ang tingin niya.
"You may now kiss your bride." Baling ni father kay Tyrill.
Humarap naman siya sa akin at hinawi ang buhok na nagkalat sa mukha ko at inilapit ang gwapo at nakangiti niyang mukha.
"Smack lang ah." I commanded.
Ngumisi lang siya ng nakakaloko at hinawakan niya ang likod ko. I feel his warm hands on my skin.
Inilapit niya pa ang mukha niya at iniangat ng konti ang mukha ko atsaka ako hinalikan.
So gentle, so soft kiss. I taste his lips and it's so sweet. Parang may nag-spark sa pagitan ng halik namin.
"I now pronounce you, Mr. and Mrs. Tyrill Lohan!" Pag-announce ng pari at nagsipalakpakan at nagsitayuan naman ang mga tao. Habang kami naman ay magkalapat pa rin ang mga labi namin.
"Excited ang mag-asawa ayieee!" Sabi ni Tita Anly at inasar din kami ng mga tao.
Napahiwalay naman na kami at kitang-kita ang kahihiyan sa mukha ko. Ngumiti na lang ako para hindi na halata at hinawakan ang kamay ko ni Tyrill. Ngiting-ngiti pa siya habang hawak ang kamay ko.
Nakuryente naman ako nang hawakan niya ang kamay ko.
Oh-oh. Bawal 'yan Anne, agreement lang at wala sa buhay mo ang ganyan.
Tumuloy na kami sa reception sa isang mamahaling resort at hindi mawawala ang pagkuha ng litrato sa amin ni Tyrill kasama si Tita Anly, barkada ni Tyrill at mga ka-trabaho ko.
Pagkatapos naming kumain ay hiniritan pa kami ng mga bisita ng kiss. Pinagbigyan naman ni Tyrill ito at tuwang-tuwa ang loko.
"You taste so sweet, wife." Pagkasabi niya ay sumulpot si Tita Anly na may kasama na pogi rin at kasing edad ni Tyrill, siguro isa sa mga kaibigan niya. Nagtataka lang ako kasi wala si dad niya. May sinabi naman si Tita Anly na ikinatuwa ni Tyrill. Mag-ina nga sila.
"Wife, aalis lang muna ako. Ingat ka diyan. Stay here." Pagkasabi niya noon ay hinalikan niya ko sa pisngi at ngumiti pa ng nakakaloko bago umalis sa tabi ko.
Gano'n na lang 'yon? Iiwanan niya ang asawa niyang mag-isa? What the heck?! Humanda ka sa akin Tyrill Lohan.