Chapter 2
Suzanne's POV
"Bakit ba ganito sa lugar na 'to? So many mean like you." He asks in irritated tone.
Pinanlakihan ko siya ng mata at umirap sa kanya. Napangiwi lang siya sa akin at nainis din.
What the? Mean pala ako ha! Nakakainis siya. Ganito ang kinalakihan ko eh, pakialam niya ba.
Oo nandito kami ngayon sa bahay ko. Dinala ko siya dito para labhan niya ang damit na tinalsikan niya ng malansang putik at hindi man lang nag-apologize sa akin. Sabi niya kasi may maglalaba na daw pero naghintay ako ng ilang oras wala pa ring dumadating sa opisina niya kaya kinaladkad ko siya at dinala ditto. Ofcourse sumakay kami sa mamahalin niyang kotse. Ngayon papalabhin ko siya, ang astig ko 'no, ikaw ba naman magtrabaho sa NBI, besides irereklamo ko siya.
"Hiyang-hiya naman ako sayo! Pasensya na ha, nakikirenta lang ako ng bahay. Hindi ko pa nga nababayadan ito simula ng lumipat ako dito. Masikip siya pero sakto lang sakin."
Pinaupo ko naman siya sa may maliit na butas-butas na sofa. Iyon siya at diring-diri sa habang naka-upo. Ang arte nito.
Naghanda naman ako ng sabon at planggana, doon ko siya paglalabahin. Nang maihanda ko na ay pawis na pawis na naman siya na parang nahihirapan na nakahawak ng maayos sa sofa, ano bang nangyayari dito?
"Nandoon na ang planggana at sabon. Ano pa, eh 'di labhan mo na, bilis!" Pagsigaw ko sa kanya at matamlay naman siyang pumunta sa lababo at naglaba. Alam naman pala niya eh, maarte lang talaga siya.
Nagtataka siguro kayo kung bakit sobrang halaga ng damit na 'yon 'no? Iyon na lang kasi ang kaisa-isang damit ko na natitira kasi nga lahat ng damit ko ay kinuha ni Aling Petra kahapon 'nong wala ako. Lahat pa naman ng mga damit ko ay dress na branded pa, kinuha niya 'yon kasi daw hindi pa daw ako nakakabayad ng renta at 'yon na lang daw ang natititra kong gamit. Kada buwan ba naman kuhanan ka ng gamit sa kusina, kwarto, at sa sala. Ito na nga lang sofa ang natitira dito. Hindi kasi ako nagbabayad ng renta simula nang lumipat ako dito kasi kada sweldo ko ay binibili ko ng mga gamit dito sa apartment pero kinukuha naman agad ni Aling Pets kapag hindi ako nakakabayad. Four years from now libre ang tira ko dito pero kinukuha naman ang mga gamit ko.
Naglayas kasi ako sa totoong bahay namin, iniwan ko si dad na palaging kontra sa mga desisyon ko. Mas pinili ko kasi ang propesyon ko kesa sa gusto ni dad na maging isang model ako. Sa ganda at sexy kong 'to. Ang dami ko ngang natatanggap na texts at tawag mula sa modeling agencies. Kahit hindi ako mag-apply pasok na daw ako agad sa modeling agencies. Pero mas pinili ko talaga ang pagiging private investigator sa NBI. Dito kasi ako masaya kesa doon sa modeling career.
Yes, I'm a private investigator of NBI. Kaya nasundan ko nga ang lalaking 'to na nakatalsik ng putik sakin. Kaya sa mga simpleng bagay na nagagawa nilang kasalanan sa akin ay ini-imbestigahan ko.
Nagulat na lang ako nang biglang nag-vibrate ang phone ko na naka-ipit sa cleavage at bra ko. Sanay na kasi ako na dito na ilagay, gawaiin naming mga private investigator na babae 'yan eh.
Pagkakita ko ay si Aling Petra ang naka-register. Hindi ko na lang sinagot kasi mala-baril na naman ang bunganga n'ya. Ano pa, kundi maniningil na naman ng renta ng bahay.
Tinignan ko ang likod ng naglalaba ng damit ko, mukhang hirap na hirap siya at pawis na pawis. Hinubad n'ya naman ang tuxedo n'ya at ang natira ay ang pang-ilalim na puti. Wow ang hot n'ya talaga. May tagalaba na pala akong CEO, hot at pogi.
"Paki bilisan po ng paglalaba." Utos ko sa kanya na hirap na hirap sa kakakusot.
"f**k! Why am I doing this kind of s**t! It sucks." Pabulong na mura niya.
Napatingin naman ako sa bukas na pintuan at nandoon si Aling Petra na nakangisi sakin.
"Mag-usap tayo Anne." Sabi n'ya sa akin at napatingin sa direksyon ni CEO, napatingin ulit sa akin at nagtaka ang mukha. Pumasok naman s'ya at naupo sa tabi ko.
"Aling Petra wala pa po akong pambayad, wala pa 'kong sahod. Pasensya na po kayo." Pagmamakaawa ko sa kanya.
"Anne pasensya ka na pero kasi hinahanap ng asawa ko 'yung bayad mo sa renta. Pasensya na pero... limang milyon ang hinihinging bayad niya." Sabi ni Aling Petra na ikinanlumo ko.
Limang milyon? Ano? Saan naman nila nakuha na ganito ang ibabayad ko sa kanila tsaka saan naman ako kukuha ng limang milyon? Hindi kaya...
"A-Aling Pets, masyado naman po yatang malaki ang limang milyon para sa renta. Pasensya na po pero hindi ko po mapapangakong mababayadan ang lahat. Hindi po kaya ng sahod ko." Pagpapakiusap ko sa kanya. Mabait naman si Aling Petra, kaya nga nakatagal ako dito sa bahay nila nang walang bayad pero biglaan pala silang maningil. Paano ba 'to?
"Dalawang buwan na lang ang ibibigay ko sayo, Anne. Pasensya ka na. Sige alis na muna ako." Pagpapaalam niya at tumingin ulit sa CEO na halata mong nakikinig sa usapan namin.
Umalis na si Aling Petra nang walang tanong tungkol kay CEO. Ganyan kabait si Aling Pets, naiimpluwensyahan lang siya ng asawa niyang matabil.
Paano ko ba mababayaran 'yon?
Tyrill's POV
I stare at her gorgeous face. How can I get into her? She's so beautiful yet tough and brave girl for me.
I've finished my laundry and think of something. What if I talk to her? She has a big problem that's why I want to comfort her. I hate girls who cried, it's like I remember my mom.
"Hey!" I tried to smile.
"Isa ka pa! Balik ka na nga sa pinanggalingan mo. Ako na magsasampay ng damit ko, nakakahiya naman sayo na mayaman! Sige alis na, magtatrabaho pa 'ko." She insists. I bet that I hate girls with that attitude but I found it really cute to her.
I want to know her more.
"I'm sorry for what I did to you, so sorry. I'm Tyrill Lohan."
"Yeah I know, I'm Suzanne Hatt." Inirapan n'ya ako at tinulak hanggang sa makalabas ng tinutuluyan niya.
Suzanne Hatt what have you done to me? I'm more than curious about you.
I call Greg to research something. Goodness he answered.
"Greg, find more detailes about Suzanne Hatt, make it faster. I want to know more about her." I ended the call.
Suzanne's POV
Pagkapasok ko ngayong araw na 'to sa trabaho ko ay lahat sila ay nagtinginan sa akin. Bakit may dumi ba ako sa mukha o sadyang maganda lang ako na na-attract sila?
"One, punta ka daw sa office ng head, may sasabihin sayo." Bungad sakin ni Two na siyang kaibigan ko.
Kung nagtataka kayo puro codenames kami dito, ako si One na pinaka-magaling sa pag-iimbestiga at siya si Two na sumusunod sa akin.
Tumango na lang ako sa kanya at tumuloy papunta sa taas. Ano naman kaya ang sasabihin sa akin ng head? Huwag naman kung aalisin na ako, mamumulubi ako nito ngayon, kailangan ko pang magbayad ng limang milyon sa loob ng dalawang buwan. Ayoko na.
Pagkapasok ko sa pinto ng head department ay bumungad sa akin si Sir Ryke. I wonder that siya ang nagha-handle sa aming mga private investigators. I smiled at him and give him a peck on his cheek. Sir Ryke is taller than me, he is intensely hot and handsome. Maputi siya at matindig ang dibdib niya at may malalaki rin siyang muscles na nakadagdag sa kagwapuhan niya. Siya rin ang tumulong sakin upang maka-pasa ako sa exam ng pagiging private investigator.
Hinila niya naman ang upuan at pina-upo ako doon sa tapat niya, kami lang palang dalawa dito sa loob ng opisina na ito.
"May isang taong gustong kumuha sayo. He said that he wants the best private investigator from NBI, so I suggest na kaya mo 'tong gawin. Here's the address, puntahan mo na siya kasi kinakailangan niya na ang tulong mo." Naka-ngiting saad sa akin ni Sir Ryke.
Akala ko pa naman na ipapatanggal na 'ko sa trabaho ko. Bakit masyado naman yatang emergency ng client na 'to at pinatawag pa 'ko sa office ng heads? VIP ba siya? Sino kaya ito?
Nginitian ko si Sir Ryke at nagpasalamat sa kanya. Pupuntahan ko na lang ang bago kong pagtatrabahuan. Masyado kasing importante ang inutos sa akin.
Tinignan ko naman ang pangalan ng binigay na address.
Greg Soulty
Block 1, Cameron Street,
Lohan Enterprises
Well, let's find out Greg.
Nagtungo ako sa nasabing address at laking gulat ko nang...
What the f**k?