Rule of Three: Chapter 12

2803 Words
Keith's POV. "...Ikaw yung nagtrip sakin nung isang gabi ah." Ngumisi siya. Sa tingin maganda yung ginawa niya? Na masaya yun? Sa pagkakaalam ko walang taong gusto ang mapagtripan... Pakay lang naman namin ni Paolo ay bumili nang mantika nang panahon na iyon. Tapos ayun siya at sinutsutan niya kami, preferably me. Hindi ako nagassume dun dahil alam kong ako, nagkatinginan kami sa mata so it simply means na sakin siya directly nakatingin. "Hindi ko kayo pinagtitripan." Natatawa niyang sagot. "Diba mga pare?" baling naman niya sa mga kabarkada niya. "Oo di naman. So siya pala yun Cholo yung sinasabi mo na agahjagsudnoalanahoqmxl" di ko na naintindihan yung huli niyang sabi. Not because It was Chinese nor marsian language. Tinakpan ni Cholo yung bibig niya. Baka madumi or ewan. "Ah Oo, Tama sinabi ni Mikel, ibig niya sabihin ay ikaw yung balak ko sana yayain magshot. Kaso sinungitan mo kaki eh." Ewan ko lang ah, pero di naman ata yung translation nung sinabi ni Mikel. Whatever. "Ahh. Di ko kayo sinungitan. Kala kasi nung kasama ko pinagtitripan niyo kami." "Yung boyfriend mo?" Pagsingit naman nung isa, si Raffy. "Di ko boyfriend yun." "Okay, tama na. Naubos na oras natin sa daldalan niyo mga tol. Laro na tayo!" Asar naman na sabi nung isa pa, yung Alvin. "Tama, tara na. Pero bago yan, wag niyo balakan pagtripan tong Utol ko ah" sabay kabig na akbay sakin ni Yosef. "Yari sakin pumatos sakanya!" "Oo naman par, ako na bahala diyan kay Keith." Paninigurado naman ni Cholo na may kasama pang pataas-taas ng kilay. ... As I said before, Possibly, I might actually like Paolo. Take note, Possibly and Probably are different in meaning. Probably, there's equal chance of yes and no, while Possibly used to say something might happen, exist, or be true but is not certain. Pero narealize ko na di ko nasabi yan kay Paolo, parang sinabi ko sakanya na Gusto ko nga siya. Well, totoo naman kaya hayaan ko nalang. I just want to stress myself due to that. Basta ang alam ko sa ngayon ay meron kaming isang relasyon na mas higit pa sa magkaibigan. Hindi man ako sigurado kung ano ang maitatawag sa meron kami pero para saakin ay mahalaga iyon at alam ko balang araw ay mas lalalim pa iyon. Hindi ako umaasta na parang babae dahil pakipot ako o kung ano man. Lalaki ako, yan ang alam ko. Pero hindi ko alam na ang pagiging lalaki ko ay makekwestion iyon nang dumating siya sa akin. Parang kusang naging malambot ang puso ko nang lambingin niya ako. Kung ang turing niya sa akin ay iba o special ay ganun din siya para sa akin. "Huy! Para kang tangang naka-ngiti diyan." Bulyaw ni Yoseh na kasalukuyang nagpupunas ng la mesa at inihahanda ang gagamiting plato at baso. "Wala. Masaya lang ako." Sagot ko. Isinalin ko ang naluto ko nang Three Cheese sauce sa macaroni shells. Tulad nang sa cookbook ni Nanay, binudburan ko ito nang dalawang kurot ng paminta. "Alam mo Keith, masaya ako sa pagbabago mo. Naging maaliwalas yang mukha mo. Di tulad dati na pokerface lang. Tapos madaldal ka na din at palangiti. Siguro yan ang epekto nang Love ni Paolo no?" Napatingin naman ako sakanya at binigyan nang nagtatakang tingin. "Ayos lang tol, boto ako dun sa Paolo na yan." Masaya naman ako sa mga sinabi niya at nakapagpaluwag na din nang pakiramdam dahil talagang ayos lang at open siya sa posibleng relasyon namin Pao. At-least di ko na kailangang magtago kung ganun man. Napaka-comforting ng pakiramdam na may ganitong klase ka nang tao na kasama sa bahay. Yung parang ang gaan lagi nang ambiance at walang moments na stiff. Iniba ko naman ang topic nang bigyan ko siya nang Mac n Cheese sa plato niya. Dinamihan ko talaga para matahimik yang bibig niya, andami niyang naiisip na kabaduyan. Pero kahit di ako obvious na gusto ko yung sinasabi niya ay sa loob ko ay masaya ako dahil ayos lang sakanya. Pakiramdam ko ay may kuya ako na talaga namang nagmamahal at may pakealam sakin. Buti nalang talaga at si Yosef ang pinasama sakin dito sa bahay. "Tol sarap nang luto mo ah?! Swerte ni Paolo sayo!" Sabi niya (or pambobola) tapos ay nag okay sign pa. "Sef, alam mo wag mo na ako bolahin pa. Ikaw padin maghuhugas ng kinainan natin." "Tokwa naman! Di ko mailusot yun!" Natatawa niyang sabi at napakamot pa sa ulo. Siguro kung andito si Nanay ngayon magugulat diya dahil nagluluto ako at iba na ang pinapakita kong pakikitungo. Siguro magiging masaya din siya para sakin tulad ni Yosef. Tumawa naman ako at nagpaalam na dahil kailangan ko na maligo. Papunta na daw si Paolo. Maglilibit daw kami. Ewan ko kung ano naisipan niya at biglang nagyaya kagabi. Nag-announce lang na walang pasok ngayon ay biglang nag-aya. Papunta na saw siya, nataranta ako dahil kakatapos lang namin kunain, At eto ah, di ako ang sinabihan niya na papunta na siya kay Yosef siya nagtext. Sila ata may lakad eh? Sila magkatext eh. Paolo's POV. "Saan ba talaga kayo pupunta at di ako pwede sumama?" Pagmamaktol ni Alex. Di ko naman masabi na aalis kami ni Keith at balak ko siyang i-date. "Basta pre. Osige na nagdadrive ako." "Grabe! Nababaog na ako sa bahay!" "Alex magDota ka o mag-Call of Duty. Sige na." "Okay. But know that I hate you Dude!" "Love you too pre!" sabay end call. Habang papunta ako sa bahay nila Keith ay iniisip ko kung ano nga ba ang pwede naming gawin sa lakad namin. Di ko pa maituturing na date to kasi di pa naman kami ni Keith tsaka baka ma-awkward yun pag sinabi ko na date. What-you-see-is-what-you-get ang tipong tao si Keith. Hindi siya vocal pero madaling intindinhin ang actions niya. Well, mas ayos na ako doon kesa naman sa mga babae na napaka-vocal at kung minsan ay nakakabwisit na din. Isa nadin siguro sa dahilan kung bakit kay Keith ako nagkagusto ay dahil na din naisip ko na pag kami na ay simple ang relasyon namin, dahil mas simple ay mas tatagal. Purong Love At Happiness lang. Yun lang ay ayos na ako. Ganito pala yung pakiramdam na may time ka sa sarili (at may pera na din) andami kong natutuklasan na di ko magawa nung kami pa nung Ex kong Bilmoko. Ngayon di ko na kailangang mag-budget ng allowance para sa mga mamahaling date namin. Ayaw nun sa simpleng lugar, gusto niya romantic dinner sa isang hotel okaya naman ay pupunta pa sa mga romantic places. Nakakasawa na din yun, tsaka wala akong freedom sakanya in-short di na ako masaya. Pero di ibig sabihin nun ay titipirin ko si Keith. Sa tutuusin lang mas deserve niya ang mga ganung dates. Tinanong ko siya kung saan niya gusto mamasyal, sabi naman niya ay sa mall nalang daw para malapit. Pumayag naman ako kaya nagpareserve ako nang dinner sa isa sa mga High Class restaurants malapit sa mall na yun. Hindi lang kasi simpleng shopping mall ang pagdadalhan ko sakanya. Mall siya pero ang mga binebenta at kainan ay hindi common. At saka maraming parks ang mall at may mga pinupunyuuuucouples. May skate ramp pa nga iyon. Nagpark ako sa harap ng bahay nila. Tumingin muna sa salamin at inayos ang buhok ko, tinignan ang ngipin, tinignan ang mukha tapos ay bumaba na ako. Ayos lang ang porma ko, yung dating na badboy lang. Araw-araw na akong mukhang good-boy dahil sa Nursing Uniform namin. Kaya sinuot ko yung skinny faded jeans na may ripped sa tuhod. Tapos black na Daily Grind t-shirt. Samahan mo pa nang black na Stefan Janoski, sigurado magugustuhan to ni Keith. Mahilig yun dito eh. Sigurado makukuha siya nang Bad Boy look nato! Hahaha! Handang handa na ang daliri ko na pindutin ang doorbell nila pero naantala iyon dahil sumigaw si Yosef mula sa terrace nila, bukas daw yung gate. Di ko man lang nalatayan yung button ng doorbell nila. "Oh pre, pormang manliligaw ah?" "Nako di naman pare, si Keith asaan?" "Ahh siya aakyatan mo nang ligaw?" Tumawa siya "De biro lang, nasa loob at nagbibihis pa." Kung di lang talaga pinsan ni Keith to baka pagiisipan kong baliw eh. Pero ayos yang si Yosef, open-minded at napakabait. Sabi nga ni Keith ay parang may kuya na daw siya nang minsang magkwentuhan kami. Nakasama ko na din kasi si Yosef at yung mga kabarkada niya nung minsang maginuman kami. Masaya sila kasama pero yung isa parang wala sa sarili, ang tahimik lang tapos parang nagmamasid lang. Di naman daw siya ganun dati sabi nang mga kasama namin. Nasolid ako nun! Dalawang bote nang Jack Daniels ininom namin. Di pa sila nakontento at nag-tequila pa! Ayoko sana ipagpatuloy pa yung shot pero ayoko namang isipin kila na mahina ako. Si Keith nga parang wala lang kung inumin yung shot ng tequila eh. Akala ko di umiinom yun pala nakikipagsabayan, astig nga eh! "Huy tara na, parang tanga diyan." Pabiglang sabi ni Keith. Napatingin ako sa suot niya. Grabe mas astig pa sakin manamit, naka shorts siya na madalas suotin ng skaters na mulay black ganun din ang pull-up sweater niya na DC. Ang astig kasi suot din niya yung Stefan Janoski niya na tulad ng sakin. Angas ng porma niya, bagay sa maamo niyang mukha at itim na buhok... wait lang. "Parang mas maitim ang buhok mo ngayon?" Bungad ko nang makasakay kami sa kotse. "Kinulayan ko." "Bakit pa eh black na dati pa yan." "Tumutubo na kasi kaya lumilitaw na yung brown." "Astig! Natural brown hair ka?" "Oo." Simpleng sagot niya habang may binabasang text. "Nagpapabili si Yosef ng brownies, paalala mo mamaya ah?" "Sure Kid." "Kid??" Takang tanong niya. "Tawagan natin, porma ne Kid?" Nakita ko siyang nangiti at medyo namula. Medyo lang kasi daig padin yung puti niya. "Kaw talaga." Sa totoo lang, parang kami na pero hindi kami. Parang kami na pero hindi siya confirm o pinagkasunduan? Gets? Hirap explain. O nagassume lang ako? Plano ko lang naman talaga sa lakad namin ay magbonding lang. Parang getting-to-know activity lang. Gusto ko kasi makilala lang siya ng lubos at ganun din siya sakin. Napagusapan na namin to kagabi eh. Naeexcite nga ako kasi bago sakin itong ganitong date. Parang ang saya na ang gaan lang? "Kain muna tayo ah?" "Sige, pero wag heavy kasi kumain kami ni Yosef ng pasta." "Meriyenda lang, sa Hangout tayo. Maraming stalls dun." "Ayos sakin yan. Naglunck ka ba? Baka naman gutom ka?" "Okay lang ako. Marami namang maoorderan dun tsaka masarap." After ten minutes nakarating kami sa Hangout, para siyang isang foodcourt pero hindi siya nung katulad sa mall. Meron siyang 6 restaurants na pwedeng pagpilian pero ang maangas na part ay mga Food Truck ang mga iyon. Dito kasi kami kumakain ng mga barkada ko madalas kaya sure ako na masarap. Kaya dinala ko dito si Keith. Nilibot namin ang bawat food trucks. Bumili ng burger, salad, french fries at nang Grande na ChocoBanana shake si Keith. Dahil gutom akobumili ako nang double cheese burger, medium basket of mojos, salad at double blueberry cheese cake para samin. Paputukan na nang tiyan to! "Dude mauunos mo yan?" Tanong niya sakin. "Oo naman! Para satin yung cake." Pagkasani ko nun ay kaagad siyang kumuha nung cake. Dessert yun eh. Hayaan na mahal ko eh. Iba talaga ang epekto sakin ni Keith, nagiging baduy ako! Di naman ako dati ganito sa mga nakarelasyon ko dati peropagdating kay Keith ganito na. Isa pa di ako ganito ka-submissive sa taong gusto ko. dati nagpaparamdam lang ako tapos kapag alam kong type din ako eh isang mabilisang ligawan lang makukuha ko na. Pero si Keith? Eto at magiisang buwan n kaming M.U pero hindi padin kami. Pero never akong nakaramdam nang pagod, masaya ako kahit ganoon lang kami. Never ko naramdaman na ayoko na o gusto ko nang itigil. Tulad nga nang sinabi ko, iba siya. Dumating si Keith sa buhay ko na parang isang mabilis na pangyayari. Naguluhan ako nung una pero sa katagalan ay hinahanap-hanap ko na siya. He's like my second soul, he possessed me and found a place inside me to nestle his whole being. Hindi ko na siya matangal sa akin. Ganoon katindi ang epekto niya sa akin. Isang tao lang siya pero ang epekto niya ay higit pa sa lahat nang nagustuhan ko noon, noon na hindi ko pa kilala ang tunay na sarili ko. Noon kasi puro laro lamang ang alam ko pagdating sa pakikipagrelasyon. Basta ang alam ko noon ay mag-enjoy at siguraduhin na hindi ako ang matatalo in the end. Pero ngayon na kilala ko na kilala ko na ang sarili ko at alam ko na ang tunay na hinahanap ko, handa na akong magmahal nang totoo at puro. Walang laro. Walang lokohan. Gusto ko nang magseryoso lalo na sa isang taong alam ko na dapat sineseryoso. Ganito siguro talaga pag nainlove ka, makakahanap ka nang taong katapat mo. Someone who will pull you to stay humble and true. Someone who will let you forget about your pride and only think of what is right. Someone who will let you breath the real air of love. Someone who will give you the meaning of life when you are with him. Someone who will teach you how to contented. That is Love. Baduy ko na puta! "Huy! Para kang sira diyan." Di ko namalayang napatagal na ang pagtulala ko kakaisip at sa pagiging baduy at cheesy. Napansin ko na may bagong inorder si Keith na sushi. "Ah wala. May inorder ka pa?" "Oo. Sabi kasi nung waiter masarap daw sushi nila kaya umorder ako." "Naniwala ka naman? Pano kung di naman masarap?" Kumuha siya nang isa gamit ang chopstick, sinawsaw sa soy-sauce na may wasabi. Pinagmasdan ko siyang ngumuya at lumunok. "Masarap nga siya. Ang fresh ng ingredients." Kumuha naman ako nang isa at ginaya ang ginawa niya bago ito kainin. Hindi ko kasi hilig talaga ito. "Masarap nga." ... Naglakad-lakad pa kami matapos namin kumain. Nagtagal din kami dun sa kainan dahil madami kaming tinikman. Madami din kaming napagkwentuhan kaya naabutan na kami nang dilim. Mas lalong naging romantic ang lugar nang maglakad kami dito. Ayaw pa sana tumayo muna ni Keith dahil ang bigat daw nang tiyan niya kaya magpapahinga muna siya. Siyempre di ako pumayag dahil lalo lang siyang tatamarin kung uupo kami. Nakasindi na ang mga ilaw sa paligid. May mga lanterns na nakakalat sa lugar, may mga maliliit na ilaw ang nakapaligid sa mga puno. Talagang napakaromantic nang lugar na ito. "Hindi ka ba nilalamig?" Tanong ko sakanya. Medyo may kalamigan kasi ngayon eh. "Ayos lang naman." Hinila ko nang bahagya ang kamay niya upang ilapit siya sakin. Inakbayan ko siya na parang yakap na. Grabe, maghapon na kami pero bango padin niya. Ako amoy pawis na ata! Tae. Umupo kami sa isang bench sa isang bench na malapit sa amin. May mga nakaupo na kasi sa iba. Ilang minuto din kaming nakupo. Magkatabi lang at walang nagsasalita. Wala namang nakakapansin samin kaya hinawakan ko ang kamay niya. Dumantay naman ang ulo niya sa balikat ko. "Laurence." "Akala ko bang ayaw mo yan dahil mahaba masyado?" "Wala naman akong ayaw pagdating sayo." Sa simpleng sinabi niya ay parang nawala ang bahid ng p*********i ko at kinilig ako! Grabe! Di ko mapigilan ang hindi mapangiti. "Keith tignan mo yung buwan oh, may halo." "Ay oo na no. Ang galing naman." Ilang saglit din namin pinagusapan ang buwan at kung gaano kaganda ang buwan. Sinabihan ko siya mas maganda siya, aba, sipanok ba naman ako! Ayaw daw niya nun dahil di naman siya babae. Grabe. May pagkabrutal din! Natahimik kami ulit. Nakayakap padin ako sakanya. Wala naman kaming ginagawa o pinaguusapam pero iba ang pakiramdam mo. Parang napakasaya ko kahit na ganito lang kami. Ganito siguro talaga kapag mahal mo ang tao. Madali kang makontento kapag kasama ko siya. Cheesy!!!! "Magsyota na ba tayo?" Tanong niya yan. Sira talaga tuktok ng isang ito eh. Ako nga dapat ang nagtatanong ng bagay na yan at hindi siya. Ako itong nanliligaw ah. Pero isa yan sa nga gusto ko sakanya at sa relasyon na ito. Straight to the point. Walang kaartehan. "Ikaw dapat sumasagot niyan." "Hindi mo sinagot tanong ko." Tumahimik kami. Ilang minuto ko din na inisip ang mga tamang salita na dapat kong sabihin. "Ayaw kitang maging syota." "A-anong ibig mong sabihin?" Nagulat siya sa sinabi ko. Napaupo siya nang tuwid at tinignan ako. Inakbayan ko siya at inilapit sakin. Parang yakap ulit. "Hindi pa kasi ako tapos nagrereact agad. Patapusin mo muna ako B." Tumango siya. Naramdaman ko naman na huminga siya nang malalim. "Ayoko na maging syota ka. Alam mo ba ang ibig sabihin nang syota? 'Short-time' kaya ayaw ko nun. Ayoko nang panandalian lang. Ang gusto ko ay yung pang-matagal na. Yung tayo na talaga." Ako naman ang huminga nang malalim. "Keith, magboyfriend na ba tayo?" Niyakap niya ako. "Oo, tayo na." Hinalikan ko siya sa ulo. Gusto kong magpasalamat pero parang hindi tama iyon. Parang ang salamat kasi ay hudyat ng paghihiwalay. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Ibang saya ang mararamdaman ko ngayon. Ibang-iba! Mahal ko na talaga ang taong ito. Niyakap ko siya nang mahigpit... Handa ko nang sabihin ang dapat ay matagal ko nang sinabi. Hindi man ako makakuha nang sagot ngayon pero alam ko malapit na ang araw na tutugon din siya sa mga katagang ito...  "I Love You, Keith." End of Chapter 12.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD